Stanza 14
***
Medyo sober na ako mula sa pagiging tipsy. Ayaw kong malasing sa harap ni Steph. Kanina, habang pinag-uusapan namin siya... sila, naisip kong maglasing. Pero pinigilan ko talaga ang sarili ko dahil ayaw kong maglasing sa harap niya at baka kung ano pa ang masabi ko.
"Ay nabaliw na. Lasing na yata siya eh." Sabi ni Jethro. Napatingin ako sa kanya at nakatingin siya kay Steph kaya naman napatingin rin ako kay Steph. Basa ang mga pisngi niya. I know that's not alcohol.
Gabing-gabi na. Si Steph na lang ang babaeng naiwan dito. Nalasing na yung iba eh. Si Min Jun yung kausap ni Steph. Yung fiance ni Steph, hindi ko alam kung saan. Si Rean, naKO na rin yata.
"Jethro." Tawag ni Min Jun. Nakadukmo na si Steph sa mga binti ni Min Jun. "Pakitawag ng fiance ni Steph."
"Ako na bahala." Sabi ko. Huwag kayong mag-alala. Nagulat rin ako sa sinabi ko.
"Sigurado ka, Drei?" Tanong ni Jethro.
"Ihahatid ko lang naman siya sa kwarto niya. Wala namang malisya doon. Kaibigan ko pa rin siya." Sabi ko. Tumayo ako at nilapitan si Steph. Sinakay ko siya sa likod ko at naglakad na papasok ng resthouse.
Habang naglalakad ako papasok, she was mumbling. At sa lahat ng kaibigan niya, ako lang ang nakakaintindi ng pag-mumble niya.
"Anong laban ko kay Junhee? She's my total oppsosite." Sabi niya. Ngumisi ako.
"Of course, she is."
"She is demure, I'm not. Chix siya, baboy ako. Achiever siya, a cheerer ako. Dalagang Pilipinang Koreana siya, foreigner ako." Bahagyang natawa ako sa pinagsasabi niya.
"And I liked you that way." Sabi ko. Naramdaman ko ang pag-angat ng ulo niya mula sa balikat ko kaya napahinto ako sa paglalakad.
"Why am I on your back?"
"Ihahatid na kita sa kwarto mo." Sagot ko. Binalik niya ang ulo niya sa balikat ko at humigpit ang pagkapit niya sa akin.
"I feel safe like this." Sabi niya. Ngumisi ako. She's still honest, huh. Kapag lasing, pare.
Hindi na siya nagsalita hanggang sa nakarating kami sa harap ng bahay. Binaba ko muna siya sa bench dahil nangangawit na ako. Baka mahulog ko pa siya. Nagcooperate naman siya. Umupo siya sa bench pero nakayuko. Bumuntong hininga ako at lumuhod sa harap niya.
"Leave me alone." Sabi niya.
"Steph, you're drunk. Hindi kita pwedeng pabayaan lang." Sabi ko. Hahawakan ko na sana ang kamay niya pero iniwas niya.
"Then don't touch me." Kalmadong sabi niya at tumingin sa akin. May tumulong luha mula sa mata niya. "Six years. Six years akong nagpakalayo sayo para kalimutan ang feelings ko, para matupad yung napag-usapan na natin na we will be the same Steph and Drei without the feelings. Pero wala."
"Steph, I—"
"Akala ko makakalimutan kita dahil lumayo ako. Yun pala, lalo kitang namiss. Masakit, Drei. Alam mo ba yun? Para akong nakatapak ng land mine at hanggang ngayon... hanggang ngayon, hindi pa rin ako gumagaling." Doon na tumulo ang luha ko.
BINABASA MO ANG
Another Song For You[ASFY2]
Teen Fiction[ON GOING] They all ask her the same question, "What if babalik siya sayo?"