Stanza 7
Pumwesto kami sa table kung saan nakikita ang view sa labas. Umorder lang ako ng black milk tea at sa kanya naman pure green tea.
"Sabi mo na ang kwento ni Melissa at ng... ex niya ay worth sharing." Sabi niya. Nagdadalwang isip pa yata siya nang sabihin niya ang salitang ex.
"Well, not really a Twilight-TFIOS-Gha-Jini-like worth-sharing type of story. Pero para sa akin, oo. Maganda ang kwento nila, yun nga lang, iba sa inasahan ng lahat ang ending." Sabi ko.
"Maybe it's just about the story, not the ending." Sabi niya.
"Aba! Saan mo yan nakuha? Alam kong hindi sayo galing yan dahil nadaanan ko yan dati sa FB." Sabi ko. Bahagyang natawa siya.
"Pero sang-ayon ka naman diba?" Tanong niya. Napangiwi ako at tumango.
So maybe he's right. It's about the story, not the ending. Pero bakit ako? Nagisimula pa lang yung story, ending na agad. Kay Jethro, kay Mervin. Parang galit yata yung tadhana sa akin eh. Nahawa na yata ako sa favorite line ni Steph eh. Pasalamat yung tadhana eh hindi ako desperadong magkaroon ng lalaki dahil kung hindi baka nawala na ang existence niya. Dumating yung order namin, may kasama pang dalawang oreo cupcakes.
"Pero sa lahat ng nakarinig ng kwento nila, hindi sila sang-ayon sa ending." Sabi ko bago uminom ng milk tea.
"Talaga? Bakit naman?" Tanong niya at hiniwa yung oreo cupcake niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Who on earth would have wanted a couple everybody bets on to end up just like that?"
"I do." Diretsong sagot niya.
"What the f--" Naputol yung sasabihin ko sana dahil sumabat siya.
"Mouth. If that did not happen, then I would be catching no one." Sabi niya. Napangalumababa naman ako habang nakatingin sa kanya.
"Wow. You're a dream guy." Sabi ko. Napansin kong medyo namula siya tapos ngumiti.
"Thanks." Sabi niya.
Nagkwentuhan lang kami tungkol sa random stuffs na usually nahuhulog pa rin sa kwento ni Steph at Ariel. Kasi sa lahat ng kaibigan ni Steph at Ariel, ako yung walang pinapanigan, hindi naman ako palipat-lipat, nasa gitna ako. Ako yung witness ng naging kwento nila kaya naaalala ko sila sa halos lahat ng bagay.
"They loved each other at their best, and of course, the worst." Sabi ko.
"Then why did they break up?" Napatingin ako sa kanya.
"Not really break up. You see, hindi naman naging sila. Steph never said yes, Ariel never asked."
"Kung hindi naging sila, bakit parang big deal sa inyo ang pag break nila?" Inirapan ko siya.
"Steph is a kind of girl who is never in a rush when it comes to life. Hindi naging sila dahil marami silang problemang kinaharap dati like Ariel being engaged to someone else."
"And that someone is now his wife." Sabat niya.
"Patapusin mo muna ako." Sinenyasan niya ako ng go on. "May trust issues si Steph pagdating sa mga lalaki at feelings niya pero sinusubukan niyang pagkatiwalaan si Ariel. She trusted and loved him, but not just like any other guy. But as a brother, as a friend, as her guy, as Ariel Drei. Hindi naging sila dahil inuna ni Steph na ayusin ang dapat ayusin."
BINABASA MO ANG
Another Song For You[ASFY2]
Ficțiune adolescenți[ON GOING] They all ask her the same question, "What if babalik siya sayo?"