a/n: Huwag muna itong babasahin kung hindi nyo pa nababasa ang Hellion Academy 1-3. May mga scene and information dito na pwedeng maka-spoil sa nasabing story.
Thank you..
**********
Maize Harlequin Hanley's Pov
Madaling araw na natapos ang party kung saan ipinakilala ako bilang heiress ng Hanley Corporation. Grabe! Pakiramdam ko ay napakarami kong ginawa dun kahit puro ngiti at pakikipagkamay lang naman ang ginawa ko sa pagkadami-daming bisita dun. Sobra ang pagod ko at drain ang lahat ng energy ko sa katawan pero nakakapagtakang hindi man ako nakatulog ng maayos kagabi.
At heto nga, hindi pa man sumisikat ang araw ay gising na gising na ang diwa ko. Nanantili lang akong nakahiga at nakatitig sa kisame. Walang kahit na anong pumapasok sa isip ko at tinatamad din akong bumangon.
Ano na nga bang mangyayari ngayong ipinakilala na ako sa lahat? Ano na nga bang gagawin ko pagkatapos nito? Anong pagbabago ang magaganap sa buhay na kinagisnan ko?
Bumuntong hininga ako tsaka bumangon. Hindi pa pala sapat ang paghahandang ginawa ko nitong mga nakaraang araw. Hindi ko lubos pinag-isipan kaya nagsisimula akong manibago.
Well, sino nga bang hindi maninibago sa mga nangyayari ngayon. Noon, walang nakakakilala sa'kin. Para akong hangin sa paningin ng lahat, ramdam nila pero hindi nakikita. Pero simula kagabi, para akong isang instant celebrity dahil lahat ng mata ng tao sa party ay sa akin nakatutok.
Kailangan ko nang masanay sa lahat ng pagbabagong ito dahil ako ang humiling nito at ito din ang paraan para magawa kong harapin ang lahat ng nakaambang problema sa amin nang kasama ang Black Monarch.
"Gising ka na pala."
Napalingon ako sa pintuan at nakita ko si Cross.
Pumasok sya ng kwarto ko at naupo sa gilid ng kama. "Gigisingin sana kita dahil pupunta tayo sa bahay nyo. Kailangan mong harapin ang mga makakasama mo kapag lumipat ka na dun." Pinakatitigan nya ako tsaka kumunot ang noo at hinawakan ang pisngi ko. "Natulog ka ba?"
"Hindi ako masyadong nakatulog."
Bumuntong hininga sya. "Nagsisimula ka nang manibago?"
Tumango ako. "Wala pa mang nangyayari, naninibago na ako paano pa kaya kapag lumabas na uli ako ng bahay."
"Sinabi ko naman sayo na kung hindi mo talaga kaya, pwede ko pang gawan ng paraan." Aniya tsaka ako niyakap. "Kung ako lang ang masusunod, habang buhay nalang kitang itatago at ako ang sasalo ng lahat ng panganib na nakaambang sayo."
"Hindi pwede yun noh." Sabi ko. "Hindi ko ito pwedeng habang buhay pagtaguan kaya nga nagdesisyon akong lumabas nang mas maaga para matapos din ito agad. Tsaka hindi ko kayang makitang nahihirapan ka."
"Kaya gusto mong ikaw ang mahirapan?" Kumalas sya ng yakap at kunot noo akong tiningnan.
Umiling ako. "Gusto kong magkasama natin itong harapin. Maging mahirap man, basta kasama kita, alam kong makakayanan ko."
Muli syang bumuntong hininga. "You already decided so I think, hindi ko na nga mababago ang isip mo."
Ngumiti ako. "Hindi na talaga noh."
Ngumiti din sya tsaka ginulo ang buhok ko. "Matulog ka nalang muna. Mamayang lunch nalang tayo aalis."
"Okey." Nahiga na uli ako.
"Sleep tight, My Harlequin." He kissed my forehead at sa tulong nun, unti-unti akong nakaramdam ng antok hanggang sa tuluyan na akong makatulog.
**********
BINABASA MO ANG
Invisible No More
Teen FictionMaize Harlequin Hanley is no longer Invisible.. This is the book 2 of her own story.