Maize Harlequin Hanley's Pov
Just like what we all thought, isang nakakailang na ambiance agad ang bubungad sa akin pagpasok ko ng school.
Kasi naman, halos lahat ng students na madaanan namin ay napapatingin sa akin. Yeah, sa akin talaga kahit kasama ko naman sina Yuan at Dark dahil hinintay nila ako kanina sa gate.
"Who would have thought that she's the Hanley's heiress." dinig kong sabi ng isa sa mga nadaanan namin. "She's too simple and weak. No wonder, Black Monarch is in her side."
"Well, you know how powerful their family is here in Trost plus the fact that she's weak, kailangan nya talaga ng tulong from Black Monarch to protect herself." sambit naman ng kasama nito. "Naiinggit ako sa pagiging malapit nya sa mga lalaking iyan but I am not that stupid para hilingin na ako ang nasa pwesto nya. I don't want a complicated life just like what she have."
"Kaya naman pala biglang tumahimik si Lynette." natatawa pang sabi ng isa. "Siguradong kinakabahan ang bitch na yun dahil kinalaban nya ang isang Hanley."
"You're right. But knowing that bitch, I'm sure, gagawa pa din sya ng ibang paraan for her own satisfaction."
"Maize."
Napatingin ako kina Yuan at Dark na nasa harap ko. Hindi ko pala namalayan tumigil na ako sa paglalakad. Maybe, I just got space out dahil sa mga narinig ko.
"Okay ka lang?" tanong ni Dark.
"Yeah, I'm fine." sagot ko. "Medyo kinakabahan lang." Muli na kaming naglakad papunta sa room namin. "Alam nyo naman, mahigit isang buwan din akong hindi pumasok dito."
"We know." ani Yuan. "Kaya nga nag-aalala din kami sayo. We're sure na walang mambu-bully sayo physically pero posibleng i-bully ka nila emotionally. At mas matindi ang pwedeng epekto nito sayo."
Ngumiti ako. "Maapektuhan man ako, sinisiguro ko sa inyong hindi iyon magiging dahilan para masaktan ako. Wala ba kayong tiwala sa'kin?"
Bumuntong hininga si Dark. "We trust you pero kinakabahan din kasi kami."
Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?"
"This will be our last chance, Maize. We need to make sure na hindi ka masasaktan or malulungkot ng dahil sa amin or else, hindi na kami hahayaan pang makalapit sayo. We don't want to mess this chance again dahil ayaw naming mapalayo sayo." sabi pa ni Yuan. "Kaya nga bawat galaw at expression mo ay pinagmamasdan namin para hindi kami magkamali."
Napailing naman ako dahil sa sinabi nila. Well, siguro dahil nadala din talaga sila sa nangyari last year kung saan nagtampo ako sa kanila at muntik pang malapayo sa akin.
"You know what?" Inakbayan ko silang dalawa at dahil mas matangkad sila sa akin ay wala silang nagawa kundi ang bahagyang yumuko para hindi ako mahirapan. "Just be yourself. I don't care kung masaktan o malungkot man ako. Just don't do anything na magre-restrain sa mga gusto kong gawin, 'kay?"
"Kahit mapahamak ka?" they both asked.
"I know what to do, guys. Always remember that I am Midnight Rhein's little sister. The only person who can calm that beast." Yeah, they all think that my brother is a wild beast na talagang nakakapanakit kapag galit at wala ni isa sa kanila ang may kayang pakalmahin ito, of course, maliban sa akin dahil talagang mayayari sya kapag pinairal nya ang galit sa harap ko.
BINABASA MO ANG
Invisible No More
Teen FictionMaize Harlequin Hanley is no longer Invisible.. This is the book 2 of her own story.