Maize Harlequin Hanley's Pov
Gusto ko pa talagang matulog pero hindi ko na magawa dahil masyadong makulit si Kuya Midnight na kanina pa sinusundot ang pisngi ko. Ano bang trip ng lalaking ito at kanina pa nangungulit.
"You know that I'm not gonna stop unless you wake up, right?" aniya habang patuloy sa pagsundot sa pisngi ko.
"At sigurado namang alam mo din na kanina pa ako gising." Dumilat ako at masama syang tiningnan. "Nakakalimutan mo yata na masyadong disturbing ang presence mo kaya hindi ako nakakatulog kapag kasama ka sa iisang kwarto."
Napasimangot sya. "Istorbo pa din pala ako hanggang ngayon. Tsk."
Natawa ako. Isip bata pa din pala ang isang ito. "Hindi naman nagbago iyon noh." Bumangon ako at nag-inat. "Bakit ba nandito ka nang ganito kaaga?"
"Kanina pa nasa ibaba ang Black Monarch at naghihintay sayo dahil maaga ang pasok nyo." sabi nya. "First day ng Foundation Week, right?"
Tumango ako. "Pero ayokong pumasok. Tinatamad ako eh."
"What?"
Muli akong nahiga. "Inaantok pa ako. Bukas nalang ako papasok."
"Bukas ka nga hindi makakapasok eh." Hinawakan nya ang kamay ko at sapilitan akong hinila para makabangon. "At ngayong araw ka lang makaka-attend ng foundation week because of your busy schedule."
"Busy schedule?" I asked.
"Bukas, pupunta tayo sa Hanley Corporation for your actual training." sabi nya. "Isang taon nalang at ikaw na mismo ang magma-manage ng mga iyon. Sa Wednesday, a-attend ka sa party na ise-celebrate ang birthday nyo nila Crater at Dark. Maliban pa mamaya, makakasama mo din ang mga bata sa Hanley Foundation this Thursday. At sa Friday, may late celebration naman tayo para sa birthday mo kasama ang lahat ng malapit sayo."
I didn't know na magiging ganito ka-busy ang schedule ko this week. Akala ko nga, makakapagpahinga ako dahil nga walang klase at hindi naman ganoon ka-required ang pagpunta sa school maliban nalang kung naka-duty sa booth.
"Maligo ka na." Itinayo na nya ako at bahagyang itinulak papunta sa cr. "Hindi porket ikaw ang may-ari ng school ay hindi ka na a-attend ng foundation week kahit isang beses lang."
"Ikaw kaya ang may-ari ng Hanley Academy." sabi ko. "Mas matanda ka sa akin, 'di ba?" At ikaw pa ang lalaki."
"Nah. Wala akong interes sa property natin plus, pangalan mo lang ang nasa last will nila Mommy at Daddy kaya sayo mapupunta ang lahat ng iyon kapag nag-18 ka na." sabi pa nya. "I already have my own business at may sarili na din akong lupa kung saan ipapatayo ko ang magiging bahay namin ni EisenHeart."
Kumunot ang noo ko. "Bakit pangalan ko lang ang nasa last will nila? Bakit hindi ka kasali?"
"Dahil nga sa dami ng kalaban ng pamilya natin, inaasahan nang hindi magtatagal ang buhay naming tatlo. Kaya napagdesisyunan naming sayo ipangalan ang last will nila." paliwanag nya. "Sinwerte lang naman ako kaya hanggang ngayon ay buhay pa ako." Muli nya akong itinulak papasok ng cr. "Tama na ang kwento. Maligo ka na at magbihis dahil maraming nag-aantay sayo sa ibaba."
Nagkibit balikat nalang ako at kahit tinatamad ay pumasok na ako sa cr. Wala naman akong choice dahil siguradong hindi ako titigilan ni Kuya Midnight. Isa pa, pupunta din sa school ang mga bata kaya dapat nga namang pumasok ako para makasama sila.
**********
Midnight Rhein Hanley's Pov
"Sinungaling."
Napalingon ako sa balcony ng kwarto ni Maize at nakita kong nandoon si EisenHeart. "Sinong sinungaling?"
"Malamang, ikaw ang sinasabihan ko. Ikaw lang ang nandito, di ba?" Inirapan pa nya ako bago sya pumasok at lumapit sa akin tsaka pinitik ang noo ko. "Alam mong hindi ka talaga dapat kasama sa aksidente ng mga magulang mo. Nagkataon lang na pasaway ka at pumuslit sa kotse nila dahil gusto mo ding makarating sa pupuntahan nila. Kaya hindi lang pangalan ni Maize ang nasa last will nila."
BINABASA MO ANG
Invisible No More
Teen FictionMaize Harlequin Hanley is no longer Invisible.. This is the book 2 of her own story.