Cross Orion Vienna's Pov
"Anong ginagawa ng bastardong iyan dito?" galit na sambit ni Tito Rhoi nang makita ako sa living area nitong mansion nila. "Makapal din talaga ang mukha mo para tumapak sa pamamahay ko."
"I'm just here to see my mom." sabi ko. "Hindi mo naman sya hinahayaang lumabas kaya ako na ang naglalakas loob pumunta dito."
"At bakit ko sya hahayaang lumabas? Para magkita sila ng magaling mong ama."
"My dad is out of the country for a long time so you don't have to worry na baka magkita sila." Noon pa man, hindi na maganda ang pakikitungo sa akin ng asawa ni Mommy. May mga pagkakataon pang nasasaktan nya ako ng pisikal pero patuloy pa din ako sa pagbalik dito para lang makita ang nanay ko. "At ako na din naman ang pumipigil sa kanyang umuwi dito dahil alam kong magkakagulo lang kayo."
Madalas sabihin sa akin ni Daddy na hanggang ngayon ay mahal pa din nya si Mommy at kung bibigyan sya ng pagkakataon ay kukunin nya ito kay Tito Rhoi dahil alam nyang mahal pa din sya nito. At hindi naman sya nagkakamali dahil madalas ding sabihin sa akin ni Mommy na mahal pa nga nya si Daddy at gusto nya itong makasama. Pero isinasantabi nya ang sariling kaligayahan dahil alam nyang masasaktan ang mga kapatid ko kapag pinili nyang iwan ang ama ng mga ito.
Kaya humingi sya ng tulong sa akin na hangga't maaari ay pigilan ko si Daddy na bumalik dito sa bansa. Alam nya kasi sa sarili na oras na makita ito ay mananaig ang kanyang pagkamakasarili at pipiliin ito kaysa sa nararamdaman ng mga anak.
To be honest, gusto kong magkasama ang parents ko. Sino bang hindi maghahangad ng buong pamilya plus, iyon din ang makakapagpasaya sa kanila. Pero tulad ni Mommy, hindi ko din kayang makitang nasasaktan ang mga kapatid ko kaya ginagawa ko ang sinasabi nya.
"Cross."
Napalingon ako kay Mommy na agad akong niyakap nang makalapit sa akin. "Mom."
"Ang tagal mong hindi dumalaw sa akin huh." Kumalas sya ng yakap at kumapit sa balikat ko. "Doon tayo sa garden."
Bumaling muna ako kay Tito Rhoi na masama pa din ang tingin sa akin at bahagyang nag-bow bago tuluyang nagpatangay kay Mommy.
Pagdating sa garden ay naupo kami sa telang nakasapin sa damuhan. Mahilig ding maglagi sa garden si Mommy kaya madalas talagang may nakalatag na ganito dito.
"So, ano bang bago sa anak ko?" malambing nyang tanong.
"Nothing change, Mom. Medyo naging busy lang dahil sa dami ng trabaho."
Ngumuso sya. "Talaga?" Pinakatitigan nya ako. "Hindi iyan ang nakikita ko sa mga mata mo."
"Eh?"
Hinaplos nya ang buhok ko. "I am your mother, Cross. At alam ng isang ina ang nararamdaman ng anak. Tulad nito, alam kong masaya ka pero kasabay nito ay lungkot at pagkalito." Yeah, she's really my mom. "So, care to tell me?"
Bumuntong hininga ako. "You're right, Mom. I am happy."
"O sige, umpisahan natin dyan sa kasiyahan mo. Bakit ka nga ba masaya?" aniya. "Is that because of Harlequin?"
Tumango ako. Well, I am honest and open with her kaya alam din nya ang tungkol kay Maize. "She's actually the reason why I don't visit you this past few months." sabi ko. "She's my girl now, Mom."
Tulad ng inaasahan ay natuwa sya sa sinabi ko. "Finally, kayo din pala ang bagsak ng isa't-isa." Before, she always said na magkakatuluyan din kami ni Maize sa tamang oras at dahil nga inaakala kong hindi ako nito nakikita ay hindi ako naniwala sa sinabi nya but after what happened, well, she's right all along.
BINABASA MO ANG
Invisible No More
Teen FictionMaize Harlequin Hanley is no longer Invisible.. This is the book 2 of her own story.