Maize Harlequin Hanley'a Pov
Inaasahan ko nang ito ang bubungad sa akin matapos kong mawalan ng malay kanina nang tumakas ako sa ospital at humingi ng tulong ng taong hindi ko dapat kinontak.
Bumaling ako sa kanya at agad syang umiwas ng tingin na ikinabuntong hininga ko. Well, it is basically my fault kaya hindi ko sya dapat sisihin.
Ako ang nag-insist na umalis ng ospital at pumunta dito. At ito din ang plano ko. Sa hindi inaasahang sitwasyon nga lang dahil kasalukuyan akong nakaupo sa isang silya habang nakatali ang mga kamay at paa ko.
"Gising ka na pala."
Nilingon ko ang nagsalita. Nakangisi ito habang naglalakad palapit sa akin. "Hindi ko inaasahang ikaw pa mismo ang pupunta sa akin para sa kamatayan mo, Miss Hanley."
"Gusto ko lang matapos ang gulong ito." Mula nang makarating dito ay hindi ako nakakaramdam ng takot kahit alam kong kaya akong patayin ng mga taong ito sa paligid ko. Siguro dahil na rin sa katotohanang hindi man sila ang pumatay sa akin ay hindi pa din magtatagal ang buhay ko.
"Dad..." tawag ni Ceros sa ama.
Si Ceros ang kinontak ko para makabalik dito sa Trost at sya ang nagdala sa'kin dito mismo kung saan nagtatago si Rhoi Hanaux, maging ang mga kaalyado nitong sina Liam Villarel at Benjamin Yoo.
"You said that you only need Maize." ani Ceros. "At kapag nasa iyo na sya ay pakakawalan mo na ang mga hostage nyo?"
Isa iyon sa dahilan kung bakit pinili kong pumunta dito kahit alam kong kamatayan lang ang naghihintay sa akin dito.
Base sa balitang narinig ko kina Kuya at Cross, hindi natatapos ang stand off sa pagitan ng palasyo at ng panig ni Rhoi Hanaux kahit tatlong araw na mula nang umalis kami dito sa Trost. At hindi makakilos ang palace knights dahil may mga hostage na hawak ang panig na ito.
Ang mga taong hawak nya ay walang kinalaman sa galit nya sa pamilya ko. Wala din silang kinalaman sa akin o sa mga pag-aari namin. Mga normal na mamamayan lang sila na naipit sa gulong hindi inaasahan ng lahat kaya hindi ko kakayanin kung mapapahamak sila ng dahil sa akin.
At iyon ang nagtulak sa akin para sumuko dito. Tutal ay mamamatay na din naman ako dahil sa virus, mas mabuti nang may magawa pa din akong mabuti para sa kapwa ko.
"We will talk about that later, son." ani Rhoi. "Iwanan mo muna kaming dalawa ng babaeng ito."
"But—"
"Leave."
Bumaling sa'kin si Ceros and he mouthed the word 'sorry' bago tuluyang lumabas ng kwarto. At naiwan kaming dalawa ni Rhoi.
"You're planning to kill me, right?" sabi ko. "Can you answer one—"
"You want to know why I want to kill you and control Trost." sabi nya. "Well, wala akong interes sa Trost. Sina Villarel at Yoo ang may gustong kontrolin ang probinsyang ito. They're the one who wants to get rid the Hanley Clan to take all your assets and use it against the palace. And me, you're the only one I need. Ikaw lang ang gusto kong makuha at patayin."
"Bakit? Hindi pa ba sapat—"
"Kung isusumbat mo sa akin ang tungkol sa virus, nagkakamali ka ng kinakausap dahil wala akong kinalaman dyan." aniya. "It was Yoo who wants you to carry that as their advantage when it comes to our worst."
"Pero sa pakikialam ng palace knights, sa tingin mo ba ay hahayaan pa kayo ng palasyo na mabuhay?"
"Sa tingin mo ba pagkatapos ng mga nangyari sa buhay ko ay gugustuhin ko pang mabuhay?" galit syang tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Invisible No More
Teen FictionMaize Harlequin Hanley is no longer Invisible.. This is the book 2 of her own story.