Maize Harlequin Hanley's Pov
Matapos ang tatlong araw naming pananatili sa Singapore ay nag-aya na akong umuwi. Marami pa kasi kaming kailangang asikasuhin at hindi na iyon dapat pang patagalin.
Alam kong gusto nang matapos ang gulong nangyayari sa buhay ko para mapagtuunan na namin ang kanya-kanyang buhay. Hindi din naman kasi biro ang abalang idinudulot nito sa buhay ng mga kasama ko dahil masyado silang focus sa akin at hindi sa sarili nila.
Nang makarating sa bahay ay sinalubong kami ng Black Monarch.
"Welcome home, Maize." masaya nilang bati.
"Kamusta naman ang bakasyon?" tanong ni Dark.
"It's fun and nice." sabi ko. "And I'm looking forward to go back there kasi nakilala ko din ang mga Vienna. But for now, kailangan ko munang isipin kung paano matatapos ang problema ko."
"How's the preparation for the party later?" Cross asked.
"Everything is going well." ani Zachary. "Na-recieve ko na kanina ang lahat ng invitations for the whole group. And since we're not making a scene there, ginamit ko na ang real name natin."
"Hindi ba makakatunog ang ibang kalaban dyan?" tanong ni Clifford.
"I made sure that no one will know that we'll attend the party." sagot ni Zachary. "And I also arrange a meeting in a private room in the hotel kaya hindi natin po-problemahin ang mga bisita sa party na iyon."
"What? Nakapag-arrange ka ng appointment?" tanong ko. "Paano?" Aba, noong ako ang nakikipag-appointment, lagi nilang nire-reject.
Napakamot sya ng ulo at bumuntong hininga. "I shouldn't be saying this pero sinabihan ako ni Yomi na gamitin ang pangalan nya sa pakikipag-appointment at palabasin na may impormasyon sya tungkol sa plano natin laban dito."
"Si Yomi?" Bumaling ako kay Cross. I know, Yomi is nice pero kabilang pa din sya sa pamilyang gustong magpabagsak sa pamilya ko kaya hindi ko alam kung katulad nila Charlene at Crater ay kakampi namin sya.
"You don't have to worry." sabi nito. "Yomi is in our side. To be honest, sya ang tumutulong kay Mommy para kumuha ng mga impormasyong magdidiin kina Tito Rhoi para sa mga krimeng ginawa nito."
"At sya din ang nagbibigay ng warning sa Black Monarch kapag nagpa-plano sina Carina na gawan ka ng masama." dagdag ni Kuya Midnight. "So, yeah. Kakampi natin sya and she's ready to stands for what is right."
"We will meet her later at the party at kasama natin sya sa pakikipagkita kay Lord Arthur para masigurong hindi gagawa ang mga iyon ng maling galaw." dagdag ni Zachary "She's still part of Hanaux family and they will never do anything that may harm her unless, sabihin ni Tito Rhoi."
"So, let's proceed to our plan." ani Kuya Midnight. Inilapag nito sa mesa ang blue print ng buong hotel. "The reserved room is in the 3rd floor. The whole floor will be secured by Grasse' men kaya mauuna na ako doon para patulugin ang lahat ng iyon. At dadalhin ko sila dito." Itinuro nya ang kwartong nasa dulo ng hallway. "Yuan and Yuren will secure the fire exit, Roshan and Russell will secure the elevator. Wala kayong pwedeng papasukin sa 3rd floor hangga't hindi natatapos ang pag-uusap."
Tumango ang apat.
"Eirlhan and Elrick will secure our getaway car." ani Cross. "And you need to make sure na walang makakasagabal sa pag-alis natin sa hotel."
"We'll handle that." sagot ng mga ito.
"Kami ni Zyrgal ang bahala sa mga footage natin para hindi makatunog ang mga kalaban." ani Zachary. "May isa pa akong pina-reserved na kwarto sa 10th floor and it was under my employee's name and his wife kaya walang maghihinala doon."
BINABASA MO ANG
Invisible No More
Teen FictionMaize Harlequin Hanley is no longer Invisible.. This is the book 2 of her own story.