Maize Harlequin Hanley's Pov
Matapos ang gabing iyon, iniwasan ko munang buksan muli ang topic tungkol doon. Alam ko ang hirap na pinagdadaanan ni Cross para masiguro ang kaligtasan ko kaya ayoko nang dunagdag sa problema nya.
Tsaka nalang siguro uli namin pag-uusapan iyon kapag maayos na kahit paano ang sitwasyon namin.
Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagtulong para sa nalalapit na foundation week ng school.
"May problema ba kayo ni Kuya?" Napalingon ako kay Crater na nasa tabi ko na pala at syang nagsalita. "Kapag nasa bahay, madalas syang tulala at napapansin din naming hindi kayo madalas magkita nitong mga nakaraan."
Muli kong ibinaling ang tingin sa ginagawa. "Ahm, marami lang siguro kaming ginagawa."
"Hindi ganoon ang nakikita namin, Maize." Naupo sya sa sa arm desk na nasa gilid ko. "What we see is you're avoiding him."
Natigilan ako. Sigh. Alam ko namang kapansin-pansin talaga ang kilos ko ngayon kaya hindi na dapat ako magtaka na magkakaroon ng ganitong conversation.
Yeah, it looks like I'm avoiding Cross pero ginagawa ko lang iyon para maiwasan ko din ang pag-oopen ng mga topic na posible naming pagtalunan. Ayokong magtalo kami.
"Why are you avoiding him?" he asked.
Nagkibit balikat ako. "Wala namang particular reason. Gusto ko lang talagang mapag-isa nitong mga nakaraang araw dahil sa dami ng gumugulo sa isip ko."
"Really? O baka naman dahil ginagawa na nya ngayon ang ginagawa ko noon." Napatingin ako sa kanya. "Mas inuuna na nya ang kaligtasan mo kaysa sa kagustuhan mong harapin din ang problema ng pamilya mo." Inilagay nya ang kamay sa ulo ko. "And you hate it, right?"
Bumuntong hininga ako at tumango. I guess, I really need someone to talk. "Yeah. All my life, I always hiding behind the shadows of my parents. Itinago ako sa lahat para naprotektahan. Para magkaroon ng maayos at tahimik na buhay kaya pwede naman sigurong this time, hindi ko na kailangang magtago. I mean, it is actually my family's problem kaya dapat lang siguro na isa din ako sa humaharap dito, hindi iyong ipinapasa ko lang din kay Cross ang lahat gayong may sarili din syang problema."
Ginulo nya ang buhok ko tsaka ipinasok sa bulsa ang dalawang kamay. "We understand what you're trying to say, Maize. Pero masisisi mo ba kami kung ayaw naming may mangyaring masama sayo? Nag-aalala kami at pare-pareho pa kaming mababaliw kapag napahamak ka. Idagdag mo pa ang kapatid mo na siguradong mapapatay kami kapag hindi ka namin naprotektahan ng maayos."
Bumuntong hininga uli ako. "Alam ko iyon. Nag-aalala kayo lalo na't hindi naman talaga ligtas ang sitwasyon pero gusto ko pa ding makatulong para sa problema akin naman talaga, hindi iyong ipinapaubaya ko lang sa inyo."
Pinakatitigan nya ako pagkuwa'y sya naman ang bumuntong hininga. "Okay. Para maging maayos kayong dalawa at tigilan mo na ang ganyang pag-iisip. Ginagawa nya ito ngayon dahil may hinihintay sya."
Kumunot ang noo ko. May hinihintay si Cross?
"Hindi ko alam kung ano o sino basta, may hinihintay sya at tingin ko, oras na dumating iyon, tsaka nya titigilan ang pagiging protective sayo." aniya.
"How sure you are?"
"He's my brother, Maize. I know him better than anyone." Muli nyang ginulo ang buhok ko. "So, stop avoiding him because I'm sure, any minute from now, he will go crazy because of you."
Natawa naman ako sa sinabi nya. "Ang oa mo. Hindi naman sya mababaliw dahil lang sa hindi ko pagkausap sa kanya noh."
"Trust me. He will." Hinila nya ako patayo at bahagyang itinulak palabas ng room. "Puntahan mo na sya para makita mong tama ako. Nasa gymnasium sya ng college dept. Sya lang ang nandoon at safe sa paligid dahil nagkalat ang mga tauhan nya."
BINABASA MO ANG
Invisible No More
Teen FictionMaize Harlequin Hanley is no longer Invisible.. This is the book 2 of her own story.