Invisible No More's Last Chapter

211 6 6
                                    

It's been three months matapos ang nangyari sa Trost at sa pamumuno ng pamilya Bergn, muling nagbalik sa normal ang takbo ng probinsya. Pero hindi pa humuhupa ang issue tungkol sa pagkakaalis ng Marquess Title sa pamilya ng Hanley.

Hindi iyon basta pinalalampas ng Trost Citizen dahil sa mga nagawa ng pamilyang ito para mapaunlad ang buong probinsya kaya nagkakaroon ng mga protesta para hikayatin ang Duke ng Svart Region at ang Hari ng bansa na bawiin ang nauna nitong desisyon.

"Bakit hindi nyo papuntahin dito si Midnight para patigilin iyan?" tanong ni Khai habang nakatingin sa mga nagpo-protesta sa harap ng City hall. "Pwede nyang sabihing wala syang planong pasanin ang responsibilidad na iniwan ng pamilya nya."

Nandito kami sa City Hall at hinihintay si Tita Dally, ang Marchioness ng probinsya ng Trost. Nasa meeting pa kasi ito kaya nandito muna kami sa isang conference room pero tanaw namin sa ibaba ang nagpo-protesta.

"Walang planong bumalik dito ang lalaking iyon." ani Dark. Mula nang ipasa ng hari sa mga Bergn ang tungkulin ng pamumuno ng buong Trost ay sinimulan na ni Dark ang pagte-training dahil sya ang hahalili sa ina dahil sya ang pinakamatanda sa kanilang magkakapatid.

"At busy din iyon dahil malaking project ang ginagawa sa HA." dagdag ni Roshan. "They have to finish that bago bumalik si Zaire kaya wala din syang panahon para pumunta dito."

"Ang balita ko, si Zaire ang nagpapa-rush ng lahat dahil iyon ang bayad para sa pagtulong na ginawa nila noon." ani Yuren. "Kaya nga kahit ang importanteng araw na ito ay hindi na nya mapupuntahan eh.

"Just let them." sabat ni Killua. "Hindi sila nakakagulo sa kahit sino and they are just expressing their thoughts. At siguradong kapag nakita nila ang mga magagawa ni Tita Dally, unti-unti din nilang matatanggap ang naging desisyon ng hari na ito ang mamuno sa buong Trost."

"Mas marami pa din ang sumusuporta kay Tita kaya hindi na natin sila dapat pagtuunan ng pansin. Titigil din sila kapag na-satisfy sila sa mga nakalatag na project ni Tita." ani Hero.

Bumaling ako sa babaeng nakatingin sa labas ng bintana.

Alam kong may mga tanong sya na hindi ko binibigyan ng pagkakataong masagot pero tingin ko ay mas makakabuti iyon kaysa malaman nya ang lahat nang nangyari noong gabing iyon.

Hindi naging maganda ang kaganapan noon at ayoko na ding ungkatin pa ang nakaraan dahil hindi nya kakayanin ang lahat ng iyon.

"Maize..."

Agad syang napalingon sa amin.

"Are you okay?" tanong ni Craig.

Tumango ito at ngumiti. "Yup." Muli syang bumaling sa bintana kung saan tanaw ang mga nagpo-protesta sa harap ng city hall. "I just wanted to talk to them."

"But—"

Tumingin sya sa'min. "They're still fighting for Hanley's even if we don't deserve it. They have to hear the truth straight from me so that they will accept the decision of the Palace."

Tinitigan ko sya at bumuntong hininga.

Mukhang hindi naman sya magpapapigil. "You can talk to them."

Napatayo sya habang nakatingin sa akin. "Are you sure?"

Tumango ako at nilapitan sya. "Hindi ka matatahimik hangga't hindi mo nagagawa ang gusto mo so yeah, I am sure. You can talk to them."

Agad nya akong niyakap. "Thanks, Crion!"

"I will tell my mother." ani Dark. "Para maiayos ang isa sa conference room ng city hall." Agad itong lumabas ng silid.

Invisible No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon