INM 6: Back Up

309 10 0
                                    

Dark Azure Bergn's Pov

"Magaling ka din palang magpayo eh." Inakbayan ko si Crater tsaka tumingin sa tinitingnan nya. Sina Cross at Maize na parehong tutok sa mga papel na nasa harap nila.

Wala kaming pasok ngayon kaya nandito kami sa mansion ni Cross. Dito tinuturuan namin si Maize para sa mga dapat nyang malaman sa pamamahala ng isang kumpanya.

"Thanks to you, naging maayos ang dalawang iyan." sabi ko.

"I just did what I think is right."

"Cool. Parang last year lang, gusto mong agawin si Maize sa kuya mo." Agad syang bumaling sa akin at sinamaan ako ng tingin. Pero hindi ko iyon pinansin. "Just saying the truth, dude."

Yeah, ako na ang magsasabi sa inyo ng katotohanang iyon. Gusto talaga ni Crater si Maize kaya nga nya ipinakiusap kay Cross na makalapit kami dito.

Pero iba ang naging sitwasyon, di ba? Matagal na palang mahal ni Maize si Cross heto, bigo ang aking bestfriend.

At dahil sa pagkabigo nyang iyon, nagpadalos-dalos sya ng desisyon. Ginusto nyang agawin si Maize sa kapatid pero mukhang nagbago ang ihip ng hangin ngayon.

"Lower your damn voice, Azure." madiin nyang sabi.

"Fine. Pero bakit biglang nagbago ang isip mo? Hindi mo na ba gusto si Maize?"

Bumuntong hininga sya tsaka muling ibinalik ang tingin kina Cross. "I still like-- No. I love her. Pero halata naman na kahit paghiwalayin ko sila ay hindi nya ako magagawang mahalin tulad ng pagmamahal nya sa kapatid ko. So, isang malaking katangahan nalang kung hahadlangan ko pa sila. Ako lang din ang mahihirapan at masasaktan lalo na't hindi ko din naman kayang makita na masaktan ang dalawang iyan."

Tumangu-tango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi nya. Buti nalang, natauhan sya agad. Akala ko, kailangan pa nya ng matinding suntok.

"Isa pa, matagal na akong engage kay Lynette. Mas malalagay lang sa panganib ang buhay nya kung aatras pa ako ng dahil sa kanya." dagdag pa nya.

"So? Ngayong ayos na sayo ang relasyon nyang dalawa, ano na ang plano ko?" tanong ko. "Hangga't hindi natin kilala ang kalaban, mananatiling nasa panganib ang buhay ni Maize."

"Just like before. I'm still going to protect her." aniya. "Well, nadagdagan lang dahil maging si Kuya ay kailangan ko na ding protektahan laban sa mga taong gusto syang sirain."

"What?" Nanlaki ang mga mata ko. "You're kidding, right? Kilala mo kung sino ang sumisira kay Cross."

"I'm serious, Azure." Bumaling sya sa akin at nakita ko sa mga mata nya na seryoso nga sya sa sinasabi nya. "Mali na ang ginagawa nila kay Kuya at hindi ko na kayang manahimik lang habang pinapanood ang lahat ng iyon. Pagod na din akong magpakontrol sa kanila kaya gagawin ko kung ano ang tingin kong tama kahit pa kalabanin ko ang sarili kong pamilya, just like what Ate Charlene doing."

"Dude. Mas lalong lalaki ang problema kung pati ikaw ay makikialam." sabi ko. "Siguradong si Cross na naman ang sisisihin nila kapag kinalaban mo sila. At hindi sila makikinig sayo kahit pa sabihin mong ikaw mismo ang nagdesisyon nyan."

"Anong gusto mong gawin ko?"

"Alam kong gusto mo lang tulungan ang kapatid mo pero kung makikialam ka din, si Cross lang ang mapapasama kaya i-focus mo nalang ang sarili mo sa pagprotekta kay Maize." paliwanag ko sa kanya. "Natatandaan mo naman siguro ang sinabi ni Craig sa atin, right? Protecting Maize, means protecting Cross' happiness. Doon nalang tayo mag-focus at ipaubaya na natin kay Cross at Charlene ang lahat tungkol sa pamilya mo."

Invisible No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon