Maize Harlequin Hanley's Pov
Inaasahan ko na. Na pagdating sa bahay ay sasalubungin agad ako ni Kuya Midnight kasama ang Black Monarch kaya hindi na ako nagtaka nang maabutan silang lahat sa sala ng bahay.
Ako ba namang biglang umalis nang hindi nagpapaalam kaya siguradong galit sila sa akin.
"Maize." madiing tawag sa akin ni Kuya. Nilapitan nya ako at bigla akong niyakap. "Bwiset ka! Hindi ka na marunong makinig ngayon sa akin! Sinabi kong doon ka lang mag-stay sa bahay nila Zaire pero hindi ka nakinig."
"Sorry." mahina kong sabi. "Hindi ko nalang din kasi kaya na manahimik sa isang tabi habang kayong lahat ay nagpapakahirap ayusin ang problemang ito."
Kumalas sya ng yakap sa akin at matalim akong tiningnan. "Sira ulo ka." Inis nya akong binatukan. "Kung gusto mong tumulong, pwede mo namang sabihin sa amin ang plano eh. At kami mismo ang gagawa. Hindi iyong ikaw pa mismo ang pupunta sa teritoryo nila at haharapin ang kalaban."
"Wala namang nangyari eh." Nakanguso kong sabi habang hinihimas ang ulo ko. Alam ko namang galit sya dahil hindi ako sumunod sa sinabi nya kanina pero kailangan talaga, mamamatok sya?
"Wala talagang mangyayari dahil hindi naman alam ni Lisa na ikaw ang makakaharap nya." singhal nya na ikinayuko ko.
Grabe talaga ang lalaking ito. Pasalamat sya, aminado ako sa kasalanan ko kaya hahayaan ko syang manermon ngayon.
"Iangat mo iyang ulo mo at tumingin ka sa akin." aniya na sinunod ko naman. Seryoso na syang nakatingin ngayon sa akin. "Now, tell me everything from the start."
Napangiwi ako. "Pwede bang mamaya na?" Sinamaan nya ako ng tingin pero bago pa sya makapagsalita ay inunahan ko na sya. "Hindi ako pinakain ni Dwayne mula kaninang tanghali kaya kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Baka pwedeng pakainin mo muna ako at pagpahingahin bago ko ikwento ang lahat ng nangyari kanina?"
Pinakatitigan nya ako pagkuwa'y bumuntong hininga. "Fine." Inilahad nya ang kamay sa harap ko na ikinakunot ng noo ko. "Akin na muna iyang hair clip na suot mo."
"Anong gagawin mo dito?" Inalis ko iyon sa buhok ko tsaka inilapag sa palad nya.
"Ang hair clip na ito ay galing talaga sa akin."
"I know." sabi ko. "Hindi magaling magsinungaling sina Killua at Hero kaya sigurado akong hindi sa kanila galing iyan. May initials pang nakalagay sa mismong diamond which is MRH, stands for Midnight Rhein Hanley."
"Yeah, yeah."
"So? Anong meron dyan at kinukuha mo bigla?"
Hindi sya sumagot pero may kung ano syang kinalikot sa clip. Tiningnan ko iyon mabuti at nakitang tinanggal nya ang diamond nito at sa pinagtanggalan noon ay may nakalagay na micro chip.
"Eh?" Tumingin ako sa kanya at agad din syang tumingin sa akin.
"Oo, may camera ang clip na ito." aniya. "Busy ako ng mga panahong iyon kaya naisip ko ito para naman malaman ko kung ano ang na-miss ko sa bawat araw mo. Pero dapat pala, tracking device ang inilagay ko."
"At iyan ang huwag mong gagawin kundi, ibabato ko sayo lahat ng gamit mo sa kwarto." banta ko pero napangiwi ako ng samaan nya uli ako ng tingin.
"Ako ang galit ngayon kaya huwag mo akong mabantaan dyan." singhal nya. "Baka gusto mong ikulong kita sa kwarto mo?"
Inirapan ko sya. "As if you can." Hindi ko na sya pinansin at naglakad nalang papunta sa kusina. Gutom na talaga ako eh.
**********
BINABASA MO ANG
Invisible No More
Teen FictionMaize Harlequin Hanley is no longer Invisible.. This is the book 2 of her own story.