INM 14: Family

365 12 1
                                    

Maize Harlequin Hanley's Pov

Hindi talaga nagkakamali ang pakiramdam ko. Tulad ng sinabi ko kanina, may hindi nga inaasahang mangyayari sa araw na ito dahil plano lang pala akong ipakilala ni Cross sa buong pamilya nya.

"Kinakabahan ka?" tanong ni Charlene na syang kasama ko ngayon. Magkasama kasi sina Cross at Clifford dahil may importante silang meeting kasama ang mga magulang nila kaya naiwan kami dito sa party. "Ganyan din ang kaba ko nang unang araw namin ni Craig dito. Dahil tulad ni Cross, hindi din nya sinabi na ang buong pamilya nya ang haharapin namin dito."

Bumuntong hininga ako. "Hindi na nakakapagtaka. Magbest friend ang dalawang iyon eh."

Maliban kasi sa pamilya ni Cross, nandito din ang pamilya ni Clifford. So, parang reunion ito ng dalawang pamilya. Ang alam ko kasi, ang pagkakaibigan ng dalawang pamilyang ito ay  nagsimula sa great-great grandparents nila at nagtuloy-tuloy hanggang sa henerasyon nila Cross at Clifford.

"But to be honest, wala kang dapat ikakaba." aniya. "Mabait ang grandparents ni Cross and I'm sure, magugustuhan ka nila. And besides, alam naman nila ang sitwasyon mo dahil open si Cross sa kanila. Ang dapat mong pag-ingatan ay iyong mga pinsan ni Craig."

"Eh?" Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?"

"Mga spoiled brat at maldita. One of them tried to hurt me dahil alam nilang isa akong Hanaux. You know, dahil sa history ng pamilya ko at ni Cross." sabi nya. "But of course, hindi nila naituloy. Maliban sa bago pa sila makalapit ay sinasamaan ko na sila ng tingin, nakabantay din sa akin si Craig dahil alam nyang mangyayari iyon."

"Bakit mo naman ako pinag-iingat sa kanila?" tanong ko.

"Tingin ko kasi, may gusto sila kay Cross dahil lagi nila itong hinahanap kay Craig. Pilit din nilang hinihingi ang personal contact number nito at sobrang saya nila nang malamang darating ito." Tumingin sya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Kaya sigurado akong lalandiin ng mga iyon ang kapatid ko. At dapat, lagi kang nasa tabi nya para hindi iyon mangyari."

Napaiwas ako ng tingin tsaka nagkamot ng ulo. "Pa-parang hindi ko yata kayang gawin iyan."

"Eh?"

"May tiwala ako kay Cross kaya alam kong kahit landiin sya ng mga iyon ay hindi sya magpapa-apekto. Hindi sya iyong tipong kailangang bantayan para hindi mawala." sabi ko tsaka muling tumingin sa kanya at ngumiti. "Kaya huwag kang masyadong mag-alala, okay?"

Pinakatitigan nya ako tsaka bumuntong hininga. "Kung iyan ang gusto mo. But that doesn't mean na hindi ako makikialam kapag nakita kong sobra na sila." Umayos sya ng upo tsaka pinag-krus ang mga braso sa dibdib. "Kilala kasi kita. Kahit sobrang nagseselos ka na, siguradong wala kang gagawin."

Bahagya akong natawa tsaka tinapik ang balikat nya. "That was before, Charlene. Noong mga panahong inaakala kong hindi ako ang mahal nya. But now that it's clear to me na ako ang mahal nya, hindi na ako iyong iiyak nalang at walang gagawin kapag nakita kong sobra na. He's mine, after all. Pero makikialam ako sa sarili kong paraan dahil ayokong makagawa ng gulo sa party'ng ito."

Muli syang bumuntong hininga. "Then, if that's what you want. Basta kapag kailangan mo ng back up, nandito lang ako. Hindi ako makakapayag na may ibang lumalandi sa kapatid ko."

"Okay." Iginala ko nalang ang tingin sa paligid at eksakto namang nakita ko sina Cross at Clifford na kakapasok lang ng venue. "Ayan na pala sila oh." sabi ko kay Charlene at itinuro ang dalawa na agad naman nyang tiningnan.

Ngumiti sila nang makita kami at agad na naglakad papunta sa direkyon namin. Pero hindi pa man sila nakakalapit ng tuluyan sa amin ay may mga babae ang humarang sa dadaanan nila.

Invisible No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon