INM 2: The Heiress' Guards

447 9 1
                                    

Maize Harlequin Hanley's Pov

Tulad ng sinabi ni Cross, nagpunta nga kami sa bahay ko para makilala ang mga makakasama ko dito.

Ang alam ko kasi, kakailanganin ko na ding lumipat dito dahil hindi pa pwedeng malaman ng iba na si Cross ang kasalukuyang nagma-manage ng mga ari-arian ng pamilya ko. Pareho namin iyong ikapapahamak at baka gumawa pa sila ng paraan para magkalayo kami na pareho naming hindi gusto kaya kahit ayokong malayo sa kanya, pumayag na din ako.

"Bakit nga ba kailangan ko pa ng mga bagong guards, eh makakasama ko pa din pala ang grupo ni Crater kapag nasa school ako."

"Sa school mo lang sila makakasama dahil pagdating sa labas, palihim ka nalang nilang babantayan para wala pa din silang makuhang kahit anong link sa ating dalawa. At yung mga guard mo ang susundo sayo sa school at makakasama dito sa bahay."

Sumimangot ako. "Parang ang dami naman ng magbabantay sa akin."

Inakbayan nya ako. "Dahil kailangan. Wala pa tayong lead sa kung sino ba ang kalaban ng pamilya mo kaya mas mabuti nang masigurong marami ang magbabantay sayo. Maliban sa hindi ko kakayanin, siguradong mapapatay din ako ni Midnight kapag napahamak ka."

"Hay nako, hindi kaya masyado ka lang talagang oa?" tanong ko. "Alam mo kasi, hindi ko kailangan ng maraming bodyguard. Para ngang mas ayos pa yung konti lang pero well-trained silang lahat."

"Mas mabuti na ang ganito. Well-trained din naman silang lahat kaya huwag mo nang pansinin ang dami nila." Hinila na nya ako papasok ng bahay kaya hindi ko na nagawa pang magreklamo.

Hayaan na nga. Maliban sa oa talaga sya, ayaw lang nya siguro akong mapahamak lalo na ngayong kilala na ako ng marami.

Pagpasok namin sa mansion ay bumungad sa amin ang napakaraming lalaki at babaeng naka-black suit. Mga higit 30 yata silang lahat at maliban pa dun, may limang babae pa ang nakasuot ng maid uniform.

Sabay-sabay itong nag-bow sa amin ni Cross maliban sa isang babaeng nasa pinakadulo na agad kong namukhaan.

"Crion? A-anong ginagawa nya dito?" tanong ko habang itinuturo ang babaeng yun. "Ba-bakit sya na-nakasuot ng tulad sa mga bodyguard ko?"

Yung babaeng tinutukoy ko ay ang kapatid nyang si Charlene na pinagselosan ko nung panahong hindi ko pa alam na magkapatid sila.

"Ahm. I totally forgot to tell you about her. Kasama kasi sya sa magiging bodyguard mo."

"W-what?" Tumingin ako sa kanya. "Iyang kapatid mo, magiging bodyguard ko din? As in makakasama ko dito sa bahay?" Si Charlene lang naman ang kasi yun. Si Charlene yun.

Napakamot sya ng batok at tumango. "Sorry kung hindi ko agad nasabi."

"Oh my god!" Agad akong nagkatago sa likod nya nang makitang palapit sa'min si Charlene. Waahhh! Paano ko haharapin ngayon ang babaeng pinagselosan ko ng matindi? Huhuhu. Nakakahiya naman kasi ako eh.

"Anong drama nyan?" dinig kong tanong ni Charlene kaya sumilip ako at nakita ko syang nakakunot noo.

"Actually, nahihiya kasi sya sa--aww!" Bumaling sa akin si Cross dahil kinurot ko sya sa likod. "Para saan yun?"

"Tse, huwag mo akong ilaglag." Inirapan ko sya.

"Hindi mo kailangang mahiya o mailang sa'kin." ani Charlene. "I am well aware na pinagseselosan mo ako nung mga panahong hindi mo pa alam na magkapatid kami."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. "A-alam mo?"

Tumangu-tango sya. "Madalas ko lang namang mahuli ang mga pag-irap at pagsimangot mo sa tuwing makikita mo kaming magkasama." Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. "At yung mga palihim mong pag-iyak sa rooftop kapag nakikita mong niyayakap at hinahalikan ko sa pisngi si Cross."

Invisible No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon