INM 13: Ready to meet the Viennas?

320 11 1
                                    

Maize Harlequin Hanley's Pov

"So, anong plano natin ngayon?" tanong ni Kuya Midnight na nakaupo sa carpet habang busy sa pagtipa sa kanyang laptop. "Dalawang araw na ang nakalipas matapos ang paghaharap nila Maize at Lisa Chen. Siguradong nakarating na sa iba ang ginawa nya kaya kailangan nating mag-isip ng para harapin nila tayo."

"Iyon nga ang kanina ko pa iniisip." sabi ko. "After what happened, lahat ng magtatangkang makipag-appointment sa kanila through phone calls or email ay agad nilang nire-reject. Sinubukan ko ding sabihan ang mga empleyado natin na personal na pumunta sa opisina ng second target pero agad din nilang tinatanggihan kapag nalalaman nilang galing Hanley Corp."

Kanina pa ako nakasubsob sa sofa kung saan ako nakadapa dahil sa sobrang frustration. Iyon ang inasikaso ko sa nakaraang dalawang araw pero wala iyong kinahinatnan.

Nandito kami ngayon sa bahay at kasama ko si Kuya Midnight at ang Black Monarch. Ah, maliban kina Clifford at Charlene na nasa Singapore ngayon for some kind of business.

"Sino ba ang next target mo?" dinig kong tanong ni Dark. Well, hindi ko naman kasi sinasabi sa kanila ang plano ko.

Gusto ko kasi munang maiayos ang lahat bago ipaliwanag sa kanila ang mga dapat sana nilang gagawin pero ngayong walang umaayon sa plano ko ay nahihirapan na ako.

"Lord Arthur Grasse." ani Kuya. "Sya ang pumoprotekta sa lahat ng nagtatangka sa buhay ni Maize kaya lahat ng insidenteng iyon ay hindi napo-proseso ng mga pulis at hindi nakakarating sa mga media kahit pa madalas iyong mangyari sa mga public places. Hinaharang nya kasi kaya kailan muna natin syang unahin nang sa gayon ay hindi na sila basta makakakilos pa dahil maaari na tayong makipag-ugnayan sa mga pulis para hindi na masyadong matrabaho ang mga susunod na target."

Tumangu-tango ako tsaka inianga ang ulo ko para makita sila. "Kapag nabawas si Lord Grasse sa kanila, mas mapapadali ang lahat, though, kailangan pa din nating i-handle si Lord Liam Villarel. May mga tauhan din kasi iyon sa loob ng pulisya."

"Bakit hindi tayo humingi ng tulong kay Daddy?" tanong ni Yuren tsaka bumaling kay Dark. "Then, sya ang kakausap kay Mommy, right?"

Napabangon ako. "Ah. Ang mommy nyo nga pala ang current Marquess ng Trost City." sabi ko na tinanguan nila. "Pero ang pagkakaalam ko, ayaw makialam ni Lady Yuiko sa gulong ito. Pero hindi naman ibig sabihin noon ay hindi sya tumutulong sa akin. Actually, sya kasi pansamantala ang nagha-handle ng mga foundations ng Hanley."

"At kung sakaling makikialam sya at pumanig sayo, siguradong mahahati ang Trost." dagdag ni Cross.

Hindi ang Trost City ang capital ng bansa namin. Pero kilala ang syudad naming ito dahil dito nakatira ang naglalakihang business tycoon na kilala, hindi lang dito sa bansa, maging sa buong mundo so basically, ang syang nagpapatakbo ng syudad na ito ay hindi ang mga pulitiko kundi ang mga negosyante. At tulad nga ng sinabi ko, ang Hanley ang itinuturing na pinakama-impluwensya dito kaya ganoon nalang kalaki ang pag-iinteres ng iba sa mga ari-arian namin.

Mahina ang kapangyarihan ng mga pulitiko dito kaya hangga't maaari ay wala silang maaring kampihan sa sinumang negosyanteng nakatira dito kung sakaling magkagulo. Kailangan nilang manatiling neutral dahil kung sakaling mawalan ng tagapagmana ang isang pamilyang may malaking negosyo sa syudad ay sila ang pansamantalang hahawak ng ari-arian nito hanggang sa tuluyang mabili ng sinumang mag-iinteres.

"Wait." Lumingon kaming lahat kay Hero na nakatutok ang tingin sa hawak na cellphone. "I think, this will be the solution of this problem." Iniabot nya sa akin ang cellphone na agad ko namang kinuha at tiningnan ang nasa screen noon.

"68th birthday ni Lord Arthur sa Saturday at kung magagawa nating makapasok sa party ay magkakaroon ka ng pagkakataong makaharap sya." ani Hero.

"Sa tingin mo ba, mabibigyan tayo ng invitation para dito?" tanong ni Elrick. "Siguradong mahigpit din ang security dyan kaya hindi din tayo makakapag-gate crash. Well, maliban dyan kay Midnight na siguradong walang hirap na makakapasok doon."

Invisible No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon