Maize Harlequin Hanley's Pov
Nanghihina na ang katawan ko. Halos hindi ko na maiangat ang ulo ko at pakiramdam ko ay anumang oras ay mawawalan na ako ng malay.
Nagsisimula na ding balutin ng matinding sakit ang buong katawan ko.
Shit! Mukhang hindi na yata ako aabutin ng bukas.
Cross. I'm sorry kung hindi ikaw ang kasama ko sa huling sandali ko sa mundong ito. Siguro ay masyado lang akong nagpapabida dahil sawang-sawa na akong manatili sa isang tabi at manood sa iba na ayusin ang problemang may kinalaman sa pamilya ko. Pero tingnan mo nga naman ang nangyari. Wala pa din akong nagawa para mabago ang sitwasyon dito sa Trost kaya tingin ko ay tama na ding dito ako mamatay.
Kuya, sorry. Alam kong mali itong naging desisyon ko pero malaki ang naging kasalanan ni Mommy kaya nagkaroon ng ganitong gulo. Kaya kung ang buhay ko ang maaaring maging kapalit para mabawasan ang kasalanan nya ay nakahanda akong tanggapin. Handa—
Idinilat ko ang mga mata ko nang maramdamang lumuluwag ang mga nakatali sa akin at nabugaran ko si Lynette na syang nag-aalis noon.
"Lynette?"
"You can't die here." madiin nyang sabi. "They are fighting for your life tapos ikaw, isusuko mo ng ganito ang buhay mo? Gaga ka ba?"
Nang maalis ang tali ko ay lumapit sya kay Tito Orion at pinakawalan ito. Pagkuwa'y lumapit sila sa'kin at inalalayan akong tumayo. Maingat kaming lumabas ng silid at tinahak ang tahimik na hallway.
"Bakit mo kami tinutulungan, hija?" tanong ni Tito.
"Hindi nyo alam ang totoong nangyayari." aniya. "Hindi sina Tito Rhoi, Tito Liam at Tito Benj ang nasa likod ng lahat ng ito. Biktima lang sila at patuloy na ginagamit ng mastermind dito para magkagulo ang bansa."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Ang nangyayaring gulo dito ay hindi nagsimula sa Hanley. Sila lang ang ginamit ng mga taong iyon para mayanig ang palasyo at makialam."
"Kung ganoon, ang mga taga-palasyo ang totoong target nila? Pero bakit tinangkang saktan ni Rhoi si Maize kanina?"
"That was his personal reason and I don't have the right to tell you pero ako na mismo ang nagsasabi sa inyo, hindi sila ang kalaban ng bansa." madiin nitong sabi. "Hindi sila kundi ang pamilya ko."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
"My parents are actually the mastermidn of everything that happens to your family." sabi nito. "Ito ang nagpasabog ng eroplanong sinasakyan nila at gumagawa ng mga pekeng ebidensya na magtuturo kay Tito Rhoi para magmukhang ito ang mastermind sa lahat ng nangyayari. Si Daddy din ang patuloy na nagtatangka sa buhay mo at ginamit nya sina Caria at Carina para saktan ka."
"Why? Why did they do that? Maiintindihan ko pa kung si Rhoi Hanaux talaga ang mastermind ng lahat pero ngayon sinasabi mong ang pamilya mo ang may kagagawan ng lahat ng ito? Bakit?"
"From what I know, my parents are actually the former fiance of your parents." aniya. "You know, my dad and your mon. My mom and your dad. But your parents broke the engagement to be with each other at hindi iyon matanggap ng parents ko."
Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Ganoon ba kababaw ang mga magulang namin noon para umabot sa ganito ang lahat ng desisyong ginawa nila sa nakaraan? Kasalanan ba ng mga magulang ko na minahal nila ang isa't-isa at pinili na sila ang maging magkasama habang buhay?
Naiintindihan ko ang galit ni Rhoi pero iyong galit ng mga magulang ni Lynette, hindi ko maiintindihan dahil walang ibang ginawa ang mga magulang ko kundi ang mahalin lang ang isa't isa.
BINABASA MO ANG
Invisible No More
Teen FictionMaize Harlequin Hanley is no longer Invisible.. This is the book 2 of her own story.