INM 4: Source of Life and Happiness

414 11 1
                                    

Maize Harlequin Hanley's Pov

Nandito na ako sa kwarto ko. Nakadapa sa kama at nakatitig sa piraso ng papel na syang pinunit ko sa notebook ni Cross.

Actually, lima ang mga kumpanyang nag-iinteres na makontrol ang buong Trost City pero apat lang ang hinayaan kong malaman nila at ang ikalima ay nakasulat dito sa papel na ito.

There is something wrong about this kaya pinili kong kami nalang muna ni Cross ang nag-iisip sa isang iyon. Baka mas malaking gulo pa ang harapin namin kapag ipinaalam agad ito sa iba nang wala pang matibay na ebidensya. At kung sakali ngang dapat itong pagdudahan, mas makakabuti kung kikilos kami ng palihim nang sa gayon ay hindi na sila makalusot.

Agad kong iniipit sa libro ang papel na iyon ng marinig ang pagbukas ng pintuan at nagpanggap na nagbabasa.

"Maize." Bumaling ako kay Charlene na syang pumasok sa kwarto ko. "May mga bisita ka."

Bumangon ako at naupo tsaka kunot noong tumingin sa kanya. "Sino?" Wala akong inaasahang bisita ngayon dahil may usapan kami ng Black Monarch pa bukas na magkikita.

"Mga kapatid ko. Sina Kuya Ceros, Carina at Caria."

Eh? Anong ginagawa ng mga iyon dito? Sa pagkakaalala ko, sina Carina at Charlene palang ang nakikilala ko sa mga kapatid nila Crater. Hindi din kami close ni Carina kaya wala akong nakikitang dahilan para pumunta sila dito.

Pero hayaan na nga, wala namang mawawala kung haharapin ko sila.

Tumayo na ako at pinuntahan ang mga iyon na sa garden na pinaghintay ni Charlene.

At hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kanila ay agad na akong sinalubong ng yakap ni Carina. "Long time no see, Maize."

"Ah, yeah."

Kumalas sya ng yakap tsaka kumapit sa braso ko at hinila ako palapit sa mga kapatid nya. "Kapatid namin sila. Si Kuya Ceros." Tukoy nya sa lalaking kasama na malaki ang hawig kay Crater. Mas maaliwalas lang itong tingnan dahil nakangiti. "At si Caria, ang bunso namin." Tukoy nya sa babaeng mukhang mas bata sa akin ng ilang taon.

Tinanguan ako ni Ceros habang si Caria naman ay niyakap ako.

"Totoo nga yung sinabi ni Kuya Crater. Maganda ka talaga." anito.

Ngumiti lang ako dahil hindi ko din naman alam ang sasabihin. Naiilang din kasi ako dahil hindi kami close ng mga ito pero grabe kung makayakap sila.

"Bakit nga ba kayo nandito?" tanong ni Charlene na agad akong inilayo sa mga kapatid. "As you can see, hindi pa sanay si Maize sa mga clingy gestures nyo kaya kung walang kwenta lang ang ipinunta nyo, pwede na kayong umalis."

"Why so cold, Charlene?" natatawang sambit ni Carina tsaka inakbayan ang kapatid. "Gusto lang makilala ni Caria ang babaeng kinababaliwan ng kapatid natin. At iyang si Kuya Ceros, isinama ko lang para gawing driver."

"I'm not buying your lame excuse, Carina." malamig na sambit ni Charlene. "I know you better than anyone else kaya hindi mo ako maloloko. Umalis na kayo."

"And rude mo, Ate Charlene." ani Caria pero hindi naman sya nito pinansin.

Bumaling ito kay Ceros na seryoso nang nakatingin dito. "Please, iuwi mo na ang dalawang iyan."

Tumango ito at bumaling sa mga kapatid. "You heard her, Carina. Caria."

"What?" hindi makapaniwalang sambit ni Carina. "But--"

"No buts." madiin nitong sabi. "Just like what you said earlier, gusto lang makilala ni Caria si Maize. Nakita at nakilala na nya ito kaya wala nang rason para magtagal pa tayo dito."

Invisible No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon