Maize Harlequin Hanley's Pov
Nagising ako na dilim ang unang bumungad sa akin habang nakaupo at nakatali sa isang upuan. May kaunting ilaw naman ang pumapasok dito mula sa isang maliit na singaw ng bintana kaya naaaninang ko ang ilang parte ng kinalalagyan ko at kung pagbabasehan ko ito ay masasabi kong nasa loob pa din ako ng Hanley Academy.
Ang huling natatandaan ko bago ako mapunta sa ganitong sitwasyon ay kasama kong tumitingin sa mga stall sina Crater nang may biglang humila sa akin at tinakpan ng panyo ang bibig at ilong. Then, nakaramdam ako ng pagkahilo hanggang sa tuluyan akong nawalan ng malay.
Anong oras na ba? Gaano na ba ako katagal dito?
"Mukhang hindi ka natatakot huh."
Agad akong lumingon sa isang sulok ng silid kung saan nanggaling ang boses ngunit masyadong madilim sa parteng iyon kaya bulto lang nito ang naaaninang ko. "Sino ka?"
"You don't need to know because your life will end here soon." Hindi sapat ang distansya ko sa kanya at lakas ng boses nya para makilala ko sya pero sapat namang maramdaman ko ang presensya nya para malaman ko kung sino nya.
I don't really know what to feel right now. Oo, natatakot ako dahil alam kong hindi magdadalawang isip ang taong ito para saktan o patayin ako pero I still have this feeling na hindi ako mapapahamak sa mga oras na ito lalo na nang maramdaman ko ang pamilyar na presensyang hindi nalalayo sa kinallaagyan ko. So, I remain calm. "What do you want from me? Bakit ba gusto nyong makuha ang pag-aari namin?"
"Oh? You're interested huh." aniya. "Okay, I'll tell you."
I need to buy some time para hindi nito mapansin ang pagdating ng mga kasama ko. I'm sure, in no time, malalaman din nito agad kung nasaan ako.
"We want you dead, first because we need your property. We can control the whole Trost just by having all of that." So,tama nga ang hinala ko. Kung sino man ang nasa likod ng pagtatangka sa buhay ko ay may ambisyong kontrolin ang city. "Second, oras na nasa kamay na namin ang kontrol sa syudad na ito, isusunod naman namin ang mga taong pilit kaming kinakalaban. Idagdag na din natin ang mga taong nagpahirap sa buhay namin mula pa noon. At alam mong ang mga Hanley ang batas sa syudad na ito kaya wala silang magagawa sa anumang gustuhin namin."
And that is our main problem. Marami ang magdudusa at madadamay dahil sa amin. Trost will fall in the hands of distatorship if we don't do something about this.
"Third, gusto kong magdusa ang Black Monarch." This time, ramdam ko na ang galit nya. "Wala silang ibang ginawa kundi protektahan ka. Inuubos nila ang oras at atensyon nila para sayo kaya nalilimutan nila ang iba pa nilang responsibilidad. I hate them for protecting you. I hate them because of you."
Naikuyom ko ang mga kamao ko. Wala syang karapatang magalit sa Black Monarch sa kahit na anong dahilan pa man.
"And last, gusto kong magdusa si Cross." Natigilan ako nang marinig ang pangalan ni Cross. "I want to see his face kapag pinabagsak ko sya gamit mismo ang mga kumpanyang pinrotektahan, iningatan at pinaghirapan nya sa loob ng tatlong taon. I want him suffer the most."
Hindi pa nila alam ang relasyon namin ni Cross. Ang tanging alam nila ay ito ang guardian ko at kasalukuyang nagma-manage ng mga property ng Hanley. At oras na malaman nila iyon, mas magkakaroon sila nang pagkakataon para mas pahirapan ito.
"See? Ang dami naming maaaring magawa gamit lang ang mga ari-arian ng pamilya mo." aniya. "So, you should be proud because you will help us to conquer the whole Trost City."
"Yeah, makakatulong nga ako para magawa nyo ang gusto nyo pero mamatay man ako ngayon, hinding-hindi ako matutuwa." matigas kong sabi. "Well, sino nga bang matutuwa kung ang lahat ng pinaghirapan ng magulang ko ay gagamitin lang para makapanakit ng iba? Sino nga bang matutuwa kung ang pinagkaingat-ingatan ng magulang ko ay gagamitin para sa kasamaan."
BINABASA MO ANG
Invisible No More
Teen FictionMaize Harlequin Hanley is no longer Invisible.. This is the book 2 of her own story.