INM 24: What Is Right

98 3 0
                                    

Maize Harlequin Hanley's Pov

"Shit!"

Agad kong binalutan ang binti ni Tito Orion na ngayon ay nagdudugo dahil sa tama ng baril. Sya kasi ang tinamaan nang biglang pumasok si Tito Rhoi at nagpaputok ng baril.

"Sa tingin nyo ba ay makakatakas kayo sa'kin?" nakangising sabi ni Rhoi habang nakatutok sa'min ang baril. "I planted a device on Maize's clothes kaya kahit saan kayo magtago ay mahahanap ko kayo!"

Agad kong kinapa ang bawat sulok ng damit ko at nakita ko ang maliit na device na nakatago sa bulsa ng damit ko.

Siguro ay inaasahan na nyang may tutulong sa amin para makatakas kaya naglagay sya ng ganito sa akin para mabilis nya akong mahahabol.

Damn it! Ano bang gusto nito kung ginagamit lang sya ng mga Priam?

"Don't do this, Tito!" sigaw ni Lynette habang nakaharang sa amin. "You don't have to do this! They will surely find another way!"

"Huwag kang makialam dito!"

"Lynette!" sigaw ko at agad itong dinaluhan dahil maging sya ay binaril ni Rhoi sa binti. "Shit! Shit! Shit!"

"Maize." Hinawakan nya ang kamay ko na akmang tatalian ang sugat nya. "U-umalis ka na! Hindi ka pwedeng masaktan ni Tito Rhoi."

"Pero—"

"I am begging y—"

"I won't let you escape again!" sigaw ni Rhoi. Lumapit sya at hinila ang buhok ko palayo kina Lynette. Nagtangka akong pumiglas pero mabilis nyang itinutok sa'kin ang baril. "Subukan mo pang pumiglas kung ayaw mong pati ang dalawang iyan ay patayin ko!"

"Ano bang kailangan mo sa'kin?" Hindi ako nakakaramdam ng takot para sa sarili ko. Natatakot ako para kina Lynette at Tito Orion na patuloy na nagdudugo ang sugat sa binti. "Lynette told us everything kaya ano pang gusto mong mangyari? Ano pang—"

"Shut up!" Marahas nya akong sinampal na ikinaputok ng labi ko.

Nalasahan ko pa ang dugo mula dito pero nagawa ko pa ding tumingin ng diretso kay Rhoi. Pinanghahawakan ko ang mga sinabi ni Lynette kaya siguro ganito nalang ang tapang na kaya kong ipakita ngayon kahit alam kong anumang oras ay sasaktan ako ng lalaking ito.

Marahas syang bumuntong hininga at hinawakan ang kwelyo ng damit ko. Mahigpit iyon kaya bahagya akong nasasakal. "Stop talking like you know everything! Ipinagpatuloy mo nalang sana ang pagtatago mo nang sa gayon ay naging madali ang lahat para sa'min at hindi na tayo umabot pa sa ganitong sitwasyon!"

Napahawak ako sa kamay nya. Humihigpit ang hawak nya sa kwelyo ko at kaya lalo din akong nahihirapang huminga.

"Kung hindi ka nakialam, wala na sanang madadamay pa pero masyado kang nagmagaling na akala mo ay malulutas mo ang problemang ito." madiin nyang sabi. "Bakit ba kasi nakialam ka pa!"

Shit! Nauubusan na ako ng hangin. Nagsisimula na ding manlabo ang paningin ko at pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay.

"Damn it!" Marahas nya akong bitiwan.

Napahiga ako sa sahig habang naghahabol ng hininga.

"Tito, wala na tayong magagawa." ani Lynette. "Kahit magalit ka, kung hindi mo hahayaang mabuhay ang babaeng iyan, siguradong pati sina Carina at Caria ay ipapa-bitay ng palasyo. You have to let her leave for the sake of your daughters."

"I know that!" sigaw ni Rhoi. Pabalik-balik sya ng lakad at ginugulo ang buhok. "Kung hindi kasi tanga ang babaeng iyan, sana ay hindi nadamay sa gulong ito si Carina. Akala mo kung sinong magaling na pati si Lisa Chen na pinakakailangan para madiin sina Larry at Nett sa kasong ito."

Invisible No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon