Maize Harlequin hanley's Pov
"Now, care to tell me why you did that, Mr. Zeron Xermin?" Yes, ang nakatatandang kapatid ni Zaire ang kaharap ko na syang kumidnap sa akin at kay Arthur Grasse.
"Yo, Miss Hanley." Sumalapak ito ng higa sa sofa. "Have a seat, first. Siguradong parating na ang kapatid mo."
Napailing ako at naupo nalang din. Mukhang tulad ni Zaire ay mahirap ding kausapin ng maayos ang kapatid nyang ito.
"Zaire!" Napalingon ako sa pinto nang bigla itong bumukas at bumungad si Kuya Midnight. "Zaire!"
"Wala dito si Zaire." ani Zeron.
"Zeron?" Tuluyang pumasok si Kuya at tumayo sa gilid ni Zeron. "Ikaw ang kumuha kay Maize?"
Tumango ito. "Pero utos ni Zaire." Bumangon ito at naupo. "As you can see, matapos ang nangyari kay EisenHeart, pinamanmanan na nya ang lahat ng nagtatangka sa pamilya nyo dahil alam nyang may iba ka pang mas mahalagang bagay na kailangang intindihin."
"Ano bang nalaman nyo para makialam kayo?" tanong ko.
"May traydor sa grupo nyo." sabi nito na ikinalaki ng mga mata ko.
"Huwag kang magbiro nang—"
Malamig itong tumingin sa amin. "Mukha ba akong nagbibiro?"
Napaupo si Kuya sa sahig na halata ding hindi makapaniwala. "P-paano nangyari iyon? Alam ng buong Black Monarch ang tungkol kay Maize."
"Dahil ngayon lang nya naisipang traydurin kayo." ani Zeron. "Mukhang may nagawa kayo na hindi nagustuhan ng taong iyon so he change his side." dagdag nito. "Anyway, inilayo ko ang pamilya ni Yomi dito. Alam na kasi ni Rhoi Hanaux na nag-eespiya ito sa kanya."
"What? Are they okay?" tanong ko na tinanguan nya.
"They're in Shiganshina at hindi maglalakas loob ang sinuman sa kalaban nyong tumungtong sa teritoryo namin kaya doon sila magiging ligtas." sabi pa nito. "Anyway, mas mabuti sigurong ilipat nyo na ng kulungan ang bihag nyo. Anytime soon, susugod ang kalaban nyo para iligtas sya."
"I will call Cross." Bumaling sa'kin si Kuya. "You stay here tonight."
"Pero—"
"Hindi lang ikaw ang target nila ngayon." anito. "Siguradong alam na din ng mga kalaban natin na buhay ako kaya dalawa na tayong susugurin nila. Being with a Xermin will make you safe." At hindi na nya ako hinayaan pang magsalita dahil agad syang umalis.
"Huwag mong tangkaing sumunod." ani Zeron nang akma akong tatayo para sumunod. "Let him do what he needs to do."
"Tell me, sino ang sinasabi mong traydor?"
Umiling sya. "Sorry but I can't tell you. But I'm sure, your brother will do something para ang taong iyon mismo ang magsalita."
"Zeron!" Isang maliit na babae ang nagbukas ng pinto at agad lumapit kay Zeron. "Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako naghihintay sa lobby kasama si Zen. Ano bang—" Napatingin sya sa akin at ngumiti. "Hi, I'm Yzianna Javier. Fiancee ng lalaking ito. You're Maize Hanley, right?" Lumapit ito sa akin at nakipagkamay.
"Ahm. Hello."
"Zaire told us to back you up kasi sa buong Chess, sina Zeron lang at ang mga underlings nya ang hindi masyadong napuruhan sa laban." aniya. "Anyway, ang bilin ni Zaire, sumunod ka sa mga sasabihin ni Zeron at ng kuya mo kung ayaw mong sya mismo ang tumapos ng problema mo sa paraang hindi mo magugustuhan."
"Yzi, huwag ka nga munang nagsasa-sama kay Zaire." naiiling na sabi ni Zeron tsaka hinila ang kwelyo ni Yzianna papunta sa kanya. "Nahahawa ka sa kung paano sya magbanta eh."
BINABASA MO ANG
Invisible No More
Teen FictionMaize Harlequin Hanley is no longer Invisible.. This is the book 2 of her own story.