Chapter 08 : Love Triangle?

1.5K 24 7
                                    

Michelle's POV. 

"Are you alright michelle?" napairap ako kay trina na nakaupo sa gilid ko 

"Muka ba akong okay?" mataray kong sambit at dinidiin sa mukha ang yello, sa dami-dami ba naman na pwedeng sapakin sa mukha ko pa? Gosh! That Kathryn girl. 

"Tss.Anyway mas okay yan dahil nangyari yan sayo, hindi mo ba alam? Nag-iba ang paningin nila kay Kathryn karamihan pa sa mga students dito nag aalala sayo. Diba okay nga yun? Kasi masisira si Kathryn sa campus nato!" 

Patawa-tawa si trina habang pumapalakpak, napaisip tuloy ako kailangan akong magmukhang inaapi sa ganun lahat sila iiba ang pagtingin sa Kathryn nayun sabi nga nila ang plastic galit sa kapwa plastic. Aish! I'm genuis!! Pero bago ang plano ko binatukan ko muna si trina >.< kaya nagtaka sya 

"mukha ba akong okay sa lagay nato? Shit! Tapos sasabihin mo na okay ang nangyari kasi umiba ang tingin nila sa Kathryn nayun? Eh, paano naman tong mukha ko?" nag-iinarte kong sabi ng biglang naputol dahil sa biglang may pumasok sa loob ng clinic. 

I'm a pretty girl kaya nga gusto ako ni daniel diba? Kaya ito sya ngayon at nakaupo sa gilid ng kama,umalis nadin si trina para makapag solo kami ni daniel ko! Oo akin sya. Famous line ni ava AARTE PA? 

Hinawi nya ang buhok ko, arghh! He's sweet pagdating sakin. Umarte naman ako na parang kawawa at nakapout pa,kailangan pati sya kainisan si Kathryn 

"Pasensya na sa ginawa ni Kathryn..baka naman kasi inasar mo yun?" mahinahong nyang sabi sakin, napanguso ako at yumuko habang nilalaro ang mga daliri ko 

"Mu-mukang galit talaga sya sakin? Pero okay lang. Sanay nadin naman ako sa mga ginagawa nya... at sa mga masasakit na salitang binibitiwan nya sakin" 

"Tsk! Ang babaeng yun!" irita nyang bulong sa sarili, napasmirk nalang ako. Wohoooo! Galing ko lang umarte no! "Teka saan ang masakit ha?" tanong nya at tinititigan ang mukha ko 

"Di-dito oh!" tinuro ko yung sinapak ni Kathryn, bigla nya namang inagaw ang yello na hawak ko tsaka sya na mismo ang umaasikaso sa mukha ko.

"A-aray masak-kit!" pag iinarte ko kaya di nya nalang dinidiinan ang pagdadampi ng yello sa sinapak ni Kathryn

"Tsk!" sabi nya at pinatuloy ang ginagawa, Ito na yata ang moment ko para sumikat dito sa campus. Karamihan sa students dito naawa sakin dahil sa ginawa ni kathryn at pagnagtuloy-tuloy yun iiba ang takbo ng mundo at ako ang magiging mabait sa paningin nila, ako ang magiging modelo nila kasi mabait at maganda ako samahin mo nadin ang nakakakilig na loveteam si daniel na hearthrob at ako na dyosa haha. 

Kami ni daniel ang magiging campus couple haaay! Ang sarap pakinggan sabagay Bagay naman talaga ako kay daniel diba? Anong mangyayari kay Kathryn? Magiging loner sila dito ng kaibigan nya walang papansin sakanila kasi nga ako na ang sikat bwahaha. 

"Ang lalim ata ng iniisip mo?" napailing ako ng magsalita sya,binigyan ko nalang sya ng matamis na ngiti. Lutang na lutang ang isip ko.

Kasalukuyan kaming nagkwekwentuhan ni Daniel ng may pumasok dito sa clinic, halatang nanginginig na ang mata nya tsk! Dapat lang syang magselos no! Sa kasweetan palang ni daniel sakin. 

"Ahm..B-babe ikaw ba maghahatid sakin?" utal-utal pa syang nagtanong kay daniel, tiningnan ni daniel si Kathryn, matagal silang nagtitigan. 

Magsasalita na sana si daniel pero inunahan ko na sya "D-daniel pwede din ba na ikaw maghatid sakin?" nakapout ko pang tanong, Nakita ko naman ang pag-irap ni Kathryn sakin at may binulong pa pero narinig ko din yun .

"Ka arteng babae..hindi naman nagkabukol sa mukha kong umasta parang mamamatay na" bulong nya, tumingin naman ako kay daniel na ngayon ay nakatingin narin sakin. Ngumiti ako sakanya na parang kawawa.

Ang Girlfriend kong SelosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon