Chapter 28 : Goodbye Letter

885 25 6
                                    

Kathryn’s POV.

“If I said I want you to stay, you will?” 

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang mga salitang yun, hindi ako nagkakamali boses yun ni Daniel. Napabuntong hininga ako’t hinarap ang lalakeng mahal na mahal ko.

“Pupwedeng pakiulit?” Napakunot naman ang noo nya habang nakatingin lang sakin ng diretso. Ang lakas ng kabog ng puso ko. At sa sobrang kabog nito, kulang nalang lumabas ng bigla ang puso kong kanina pa nagwawala.

“Pa-pakiulit ang alin?” kunot noong tanong nya. Napasinghap nalang ako sa isinagot nya. Siguro nag-iimagine lang talaga ako. Umaasa na tatanungin nya ako nyan. Bakit nga ba hindi nalang ako ang magsabi sakanya na kong pwede wag nalang syang lumayo? Hmp! Gusto ko man sanang sabihin sakanya ‘yan . Hindi ko naman masambit dahil napapangunahan ako ng pride ko. At isa pa, gusto kong manggaling talaga sakanyang bibig yun. Na sabihin nyang ayaw nya akong pakawalan.

Sabihin mo lang daniel na ayaw mo akong mawala sa’yo pangako tutuparin ko, Pero parang hindi na mangyayari yun.

* * *

Nagising ako sa liwanag na tumatama saking mga mata at sa huni ng alarm clock. Napaupo ako sa kama at ng imulat ko ang aking mata, Napansin kong hindi ito ang kwarto ko. Tiningnan ko ang paligid at naalala ko nalang na nandito ako sa loob ng condo ni Daniel ng makita ko ang litrato nya sa side table katabi ng lampshade--- Speaking of Daniel agad akong tumayo at binuksan ang mga cabinet kong saan nakalagay ang iilang gamit nya. At gaya ng iniisip ko, wala na. wala narin si Daniel. “Iniwan nya na ako” gaya ng sinabi nyang pagsikat ng araw kasabay nun ang paglimot nya sakin.

“Daniel?”nilibot ko ang buong condo unit nya at paulit-ulit na sinigaw ang pangalan nya. Pero wala talaga—walang lumitaw na Daniel sa harap ko.

Napaupo ako sa kama. Inaalala ang gabing magkasama kami, first time—first nya akong niyaya na makipagdate. First time nya akong sinayaw kasabay ng tugtog ng musika. Yun nayun ‘eh. Magiging masaya na siguro kong hindi ako nagpaka pride. Leche, Kathryn bakit ba ganito nalang parati? Bakit parati nalang nasa huli ang pagsisisi? Wala na ba talagang Happy Ending ang mangyayari sakin? Bakit ba puro lungkot nalang ang nararanasan at nararamdaman ko?

Ang Girlfriend kong SelosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon