Chapter 10 : Pageant/Pagsuko

1.5K 33 8
                                    

Kathryn's POV. 

"123 Smile!" 

*CLICK!* 

Ano ba naman tong si janella oh! Di man lang maka smile sa camera,pano nalang yan pag nasa stage na sya mamaya! Aish. 

Lumapit naman ako sakanya at inayos ang nakakalat nyang buhok sa gilid at inilagay sa tenga nya, straight lang ang buhok nya at white gown basta dyosang-dyosa syang tingnan, napaka ganda talaga ng bestfriend ko syempre mana din sakin na bestfriend din nya. 

"ANG GANDA MO TRINA!"

"IKAW NA TALAGA!"

"KYAAAA! BONGGA MO TALAGA"

"KAYA NATIN TO GUYS!"

"FIGHTING!"

Lumingon ako sa direksyon kong sino man yung mga ambishosa na pasigaw-sigaw, grupo lang pala nilay witch. Maka sigaw sila kala nila mananalo na sila confident na confident contestant nila ah. Binaling ko naman tingin ko sa bestfriend ko, nakasimangot sya at nakayuko 

"Oyy! Wag ka nga nagsisimangot dyan!" suway ko ky janella at hinawakan braso nya "Ganyan ka ba mamaya? Aakyat ka ng stage na naka simangot!" 

Suminghot sya at inangat ang kanyang ulo para tumingin sakin "Kinakabahan kasi ako, pano kong matalo ako? A-ano nalang magiging reaksyon nila-" 

Di ko na sya pinasalita pa at tinakpan ang kanyang labi ng daliri ko "Shhh...Okay lang yan, do your best susuportahan ka namin" sabay tapik ko sa braso nya. 

Umupo naman ako sa tapat ng salamin at nagsimula na ang makeup artist kong make-over ako. Baka nakakalimutan nyo? Ako ang magtu-turn over ng crown ng mananalo kasi last year ako ang nanalo, light blue ang suot kong gown.

 Okay lang naman sakin kahit na matalo kami pero syempre mas gusto parin namin manalo para ang section nanaman namin maging sikat kasi pag pumunta ang korona sa diamond section kong saan silay michelle naku! Baka kong magyabang sila at anong ka echosan ideklara dito sa campus namin. 

Yung akin na idineklara dati ay ang pagpapa Christmas party sa mga batang may kapansanan at kong sino man manalo dito sa campus princess ay pwede nya din palitan yung idineklara ko, pwede din gumawa ng ibat-ibang event ang campus princess at syempre parating mangunguna ang section nila. 

"WHAT THE!! GANDA NAMAN NG BABY JANELLA KO!" tatangka sanang yakapin ni jonas si janella pero bigla nalang umiwas si janella at umupo sa tabi ko, nakita ko lang sa repleksyon ng salamin sa likod ko. Wag nyong sabihing may third eye ako.

"Alam mo ikaw ang arte mo! Sinasabihan ka na nga nya na maganda nag e-emo kapa tsk." bungad ko ky janella ng makaupo na sya sa tabi ko 

Di ko talaga maintindihan tong bestfriend ko, dati naiinis kasi bigla nalang sumama si jonas doon sa babae, tapos ngayon na nilalapitan sya nagagalit. 

"Baby Janella seryoso ako, maganda ka talaga" sabay hawak ni jonas sa buhok ni janella,hinawi naman ni janella ang kamay na nakahawak sa buhok nya at inirapan nalang si jonas 

"Tseh!!" sabay walk out ng pakipot kong bestfriend. Napatingin naman sakin si jonas at tinanong kong anong problema ni janella 

"Aba!  Malay ko. Tanungin mo kaya!" inirapan ko din sya at tumingin nalang sa sariling repleksyon ko sa salamin. Nakita ko naman sa gilid ng mata kong napakunot noo si Jonas at ginulo ang kanyang buhok 

"Arghh! Ewan ko sainyong mga babae, hindi ko kayo maintindihan" sabi ni jonas tsaka sya umalis, napatawa nalang ako sa reaksyon nya, grabe talaga tama  nya ky janella. 

Ang Girlfriend kong SelosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon