Chapter 24 : Let go?

1.1K 30 3
                                    

Kathryn's POV.

Hindi ko talaga mapigilan ang inis ko. Tsk! Pano ba naman kasi kanina pa sunod ng sunod ang butiki nato sakin! Ilang araw nadin ang nakalipas magbuhat nung nagkasakit sya. And guess what, wala na daw sila ni Michelle!  At ako naman parati nyang sinusundan. Ilang ulit kong sinabi na si Sam ang gusto ko pero ayaw paawat parin ng butiki nato! Kaya parati akong inaaway dito sa campus dahil sakanya eh' bwisit! And speaking of Michelle ilang araw nadin syang absent kaya ayun lahat ng students dito sa campus naaawa dahil sa kalagayan nya. Ang nakakainis lang naman bakit ako ang pinagbibintangan nilang nagpabugbog sa michelle nayun? Hindi ko rin maiwasan masaktan syempre! Ang sasakit kasi ng mga pinagsasabi nila. 

Kong dati ako yung pinapahalagahan,iniidolo at nirerespeto. Ngayon hindi na, araw-araw maraming kamalasan ang nangyayari sakin. Lahat ng studyante ako ang pinag tsi-tsismisan. At ang masakit dun sinasabi nila na nagbabahay-bahayan kami ni Sam, na sobrang landi ko daw! Na hindi pa ako nakuntento kay sam at si daniel gusto ko nanamang landiin. 

Pagod na talaga ako sa mga maling bintang nila. Naiinis din ako kay daniel dahil lapit sya ng lapit sakin kaya nga ako pinagkakaisahan dahil din sakanya..

Naglalakad ako ngayon patungo sa cafeteria. Lahat naman ng studyante nakatingin sakin paanong hindi? Eh, nakasunod lang naman po ang butiki nato sakin. Si Sam kasi absent dahil may gagawin daw syA, si janella naman nasa clinic umaarte na masakit ang tyan kaya ito ako ngayon mag-isa! 

"Malandi talaga ang Kathryn nayan!" 

"Dati gusto ko sila ni daniel magkatuluyan pero ngayon? HINDI!"

"that's right! Kawawa naman pala si michelle!"

Hindi ko nalang pinansin ang mga nagbubulungan sa halip ay umupo nalang ako sa bakanteng upuan. Natigilan naman ako ng nagsalita si Daniel a.k.a. butiki! 

"Anong sabi nyo? Subukan nyo uli magparinig dahil ako na mismo sasapak sa inyong mga panget kayo!" hindi ko alam pero napangiti Nalang ako. Ang lakas parin pala ng epekto nya sakin. Nagsitakbuhan naman yung mga babae at umupo naman si daniel sa tabi ko na may ngiti sa labi. 

Umiwas ako ng tingin at naglaro nalang sa phone ko. Mga ilang oras din akong naglalaro at ang katabi ko naman wala din tigil kakatitig sakin. 

"Problema mo?" naiinis Kong tanong. 

"Wala, di ko lang kasi mapigilan tumingin sa maganda mong mukha" umirap naman ako sakanya at niligpit lahat ng gamit ko. Nakakarindi ang lalakeng to! 

Ang Girlfriend kong SelosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon