Chapter 14 : Fake Lovers?

1.4K 36 9
                                    

Kathryn's POV. 

"Kamusta ka?" di parin ako makapaniwala na andito sya, wala parin syang pinagbago, sya parin ang bestfriend kong lihim na minamahal dati. Pero umpisa noong umalis sya papuntang state, nawala na ang nararamdaman ko at minamahal ko na si daniel 

Si Sam ang bestfriend ko rin bukod kay janella, Simula pa ng bata pa ako sya na ang gusto ko. Sa twing kumakanta sya napapatili ako, nasaktan din ako ng mga panahong nagkaroon sya ng girlfriend, ayaw ko sabihin sakanya na gusto ko sya kasi natatakot akong layuan nya ako, Ganito ako ka martyr pagdating sa mga taong ayaw kong layuan ako, kaya ganun nalang ako kay daniel.

"Kath, kamusta ka?" nabalik nalang ako sa realidad ng kalabitin nya ako, seryoso syang nakatitig sa mata ko "Nahahalata ko kanina kapa ganyan ah, hindi ka ba masaya na andito na ako?" 

"Ma-masaya? Oo naman masayang-masaya ako at andito ka" nginitian ko sya

"Eh? Parang hindi naman eh" ngumuso sya at tinatampisaw ang paa sa tubig "Tsaka, kanina pagdating na pagdating mo umiiyak ka, may problema ba ha! Bestfriend?" tinitigan nya talaga ako sa mata ko, binaling ko nalang ang atensyon ko sa pool, ayaw kong sabihin sakanya. 

"Wala, Hindi lang ako makapaniwala na andito ka" ngumiti ako sakanya, kaya napangiti nalang din sya "Namiss kita Sam ang bestfriend kong bakulaw" sabay yakap ko sakanya 

"Ikaw din namiss din kita halimaw" mahigpit kaming nagyakapan, na-miss ko tong bestfriend kong to' kapag yinayakap nya ako nababawasan ang lungkot ko, masaya ako at bumalik na sya..

---

"Kathryn, anak I'm going to canada this Sunday. Don't worry andito naman si Sam, dito din sya magste-stay" sabi ni daddy pagdating nya

"Really Sam?  Dito ka sa bahay magste-stay?" yes!  May makakausap at makakasama narin ako dito sa bahay, masyadong tahimik kasi ang bahay namin kaya sure akong magiging maingay to hanggat dito si bakulaw, yes! Hindi na magiging boring ang araw-araw ko. 

"Yeah!  Gusto Kong makasama ka, matagal na tayong walang kwentuhan eh" niyakap ko ulit si sam, miss ko talaga sya sobra >.<

"O'sige magpapahinga na ako, Sam magpahinga ka narin sa kwarto mo. At ikaw naman anak wag kang tatalon-talon dyan na parang bata!  Mahiya ka naman sa kaibigan mo,dalaga ka na" 

"Daddy!" 

Haaaay!! Pinapahiya talaga ako ni daddy. Kainis talaga sya,ayaw ko talagang sinasabihan ako na dalaga yuck!  Kadirnes talaga. 

"Hahaha dalagang-dalaga kana nga halimaw, kumpara nong dati na para kang butiki" natatawang sabi ni sam sakin, sinamaan ko sya ng tingin at hinampas 

"Ang Bad mo talaga, ng asar kapa!" pumunta ako sa kusina at kumuha doon ng pandesal tsaka ko kinain, naku!  Mapang-asar talaga ang sam nayan' butiki daw ako? Ang ganda ko kaya 

"Sus! Ikaw parin pala talaga yung Kathryn na halimaw na kaibigan ko na sobrang arte Hahaha" tumawa sya ng tumawa, eh?  Iniinis nya talaga ako 

"Ewan ko sayo, kainis ka" inirapan ko sya, pumasok ako ng kwarto ko at ila-lock ko na sana ng bigla syang sumandal sa pinto at ngumisi 

"Kamusta kayo ng boyfriend mo?" napakunot ang noo ko "one time chineck ko ang facebook ko at sinubukang tingnan yung profile mo,maraming nagpopost doon at nagtatanong kong kamusta kana,kaya ba umiyak ka kanina kasi--"

"Wala nga yun eh, haha tsaka wala akong boyfriend" sinarhan ko ang pinto, hindi naman nya ako pinigilan Di pa ako nakakapunta sa kama ko narinig ko naman ang sinabi nya sa labas 

Ang Girlfriend kong SelosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon