Kathryn's POV.
"Kathryn Baby, Aalis na ako ha! Di nakita maihahatid well I text daniel again para sya na sumundo sayo dito, So get ready" sabi ni daddy at nagmamadaling lumabas na ng bahay I think buisness problem nanaman? Tsk! Lagi naman eh.
8:35 am. Na pero di pa ako nakaligo as If naman may klase talaga no! Okay lang naman siguro na malate ako kasi foundation day parin namin kaso nga lang pinapabalik parin kami ng principal para mag organized ng mga gagawin. Buti na nga lang at hindi ako ang napili sa pageant nayun kasi panigurado magpapagod ako kakapractice araw-araw aish! Kaawa-awang janella maaga pang nagising para makapag pictorial.
Oh noes! Pictorial pala talaga ni janella ngayon? Omy kailangan andun ako para asikasuhin sya, paakyat na ako para maligo ng tawagin ako ng isa sa mga maid namin kaya napahinto ako
"Ma'm kath! Si sir daniel po andyan na" sabi nya at umalis na kaagad
Naku! Ang mahal ko andyan na! Lumabas ako ng bahay para tingnan kong andun nga si daniel at nakita ko sya kaagad sa labas ng gate, nakasandal sya sa kotse nya at hawak-hawak ang kanyang phone.
Bakit kaya parati syang ngumingiti habang tumitingin sa phone nya? Samantalang kong ako kasama nya poker face nalang parati?
"Daniel !!" tawag ko sakanya, kaso nga lang napamura sya dahil nabitiwan nya ang phone nya. Naku! Nabigla ko ata sya
"Ah.. Daniel sorry nabigla ba kita?" parang nagpapanic ako, alam ko magagalit sya basta may bumibigla sakanya.
Pinulot nya ang phone nyang nahulog tsaka sya tumingin sakin na seryosong-seryoso, parang matutunaw ako sa mga tingin nya. Sinuklay nya ng kamay nya ang kanyang buhok at binalik agad tingin sakin
"Bakit kaba kasi pabigla-bigla?" ayan na naguumpisa nanaman ang pagkairita nya
"So-sorry" napayuko nalang ako kasi natatakot ako sakanya baka sa pagkairita nya sabihin nyang break na kami. Ayaw ko nun!
"Tsk! Tinext ako ng daddy mo na sunduin ka dito,Bakit di kapa nakapag ayos?"
"Ahmm..pasensya na si-sige mauna kana baka nagmamadali ka" utal-utal kong sabi sakanya
"Talagang mauuna talaga ako, may practice pa naman ako ng kakantahin" tumingala ako para makita sya at nakatitig din sya sa mga mata ko, nakakunot ang noo nya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa tsaka sya nagsalita ulit
"O-sige mauna na ako,magpahatid kanalang sa mga driver nyo" saad nya at iniwan na ako. Tinitingnan ko lang ang kotse nya habang palayo na ito
Ang sakit lang makita sa mga mata nya na parang wala syang nararamdaman sakin,Pero kahit na! Okay Lang yun sakin atleast diba girlfriend nya ako? Parati kaming magkasama basta't wag lang syang mapupunta kay michelle. Di ko nga alam kong kakayanin kong mawala sya sakin ,pero kahit hindi nya sabihing hindi nya ako mahal ramdam na ramdam ko parin, sa tuwing tumititig ako sa mga mata nya parang hindi ako ang hinahanap-hanap nya.
Minsan napapaisip ako kong tama ba tong pinagsisiksikan ko sarili ko kay daniel, ngayon naiintindihan ko na kong ano ang ginagawa ni james paryas kami kong gaano ako patay na patay kay daniel yun din sya sa akin... te-teka speaking of James? AHA!! kailangan palang malaman ni daniel ang ginawa sakin ni james yung hinalikan ako ni james, mamaya sasabihin ko sakanya!
---
Pumasok na ako ng campus para hanapin si janella kasi nga may pictorial sila, papasok palang ako kitang-kita mo na ang mga booths at ang una pang nahagilap ng mata ko si michelle, napalingon sya sa direksyon at napasmirk sya. Umpisa ng mga narinig ko sa c.r kahapon medyo kinakabahan na ako sakanya
"Oyy! Kathryn!!" napailing ako at binaling ang tingin sa bigla-biglang sumusulpot
"Ja-janella? Bakit di kapa nakapag bihis diba meron kayong pictorial ngayon?" Napairap sya at sinabing
"Tapos na! Ang tagal mo kasi" nakapout nyang saad tsaka sya bigla-biglang pumulupot sa braso ko "Hindi mo manlang ako nakita kanina ..KATHRYN!! ANG GANDA KO KANINA!!!"
Masayang-masya nyang sinabi sakin kaya napangiti nalang ako. Sabi ko naman kasi sakanya ang ganda nya eeh! Naputol ang pagdadada namin ni janella ng humarang sa dinadaanan namin si michelle
"Oo kanina kalang gumanda wahahahaha!"
Nagsisitayuan balahibo ko pero dapat di ako magpahalata, taas noo akong tumingin sakanilang tumatawa na kulang nalang humiga sila sa sahig
"Kong makatawa kayo kala nyo kong sino kayong kay gaganda, tingnan nyo di kayo nagkaka boyfriend kasi ang papangit nyo!" sabi ko at tumawa din na sinabayan din ni michelle. Parang baliw kaming apat dito na tawa ng tawa
"talagang tinawanan nyo pa sarili nyo?" pang-aasar ni janella
"Haha kayo ang tinatawanan namin no! Hoy! Kathryn okay lang walang boyfriend atleast di kami katulad mo na may boyfriend nga di ka naman mahal huhu poor little girl" tumawa nanaman sya, dala ng galit ko nasapak ko sya sa mukha ,wag nila akong asarin madali akong mapikon
"Omy! Mich are you okay?" nag aalalang sabi ni trina at inalalayan ang kaibigan nya. Tinuro nya naman ako "You! How dare you to punch her? At sa mukha pa talaga!! My ghad!! Help us!!"
Humihingi si trina ng tulong sa mga studyante at sinasabi nyang sinapak ko si michelle. Di ako nag dedeny inaamin ko sa mga studyante na sinapak ko sya kaya yung iba todo pag aalala kay michelle kaya ito ako, ako ang lumabas na masama
Kasalanan ko ba Kong madali akong mapikon? Ang pinaka hindi ko pa inaasahan ay kaladkarin ako nanaman ni daniel ngayon at kainisan sa ginawA ko, kinaladkad nya ako papunta dito sa parking lot.
"Ano sa tingin mo tong ginagawa mo Kath ha?!" asar nyang Tanong at mahigpit akong hinawakan sa braso, kaya nasasaktan ako
"Da-daniel.....nasasaktan ako!" di nya parin binibitawan ang braso ko
"Kath! Nakakahiya ka ano nalang sasabihin ng mga barkada ko at mga studyante? Na nananapak ang girlfriend ko? Nakakahiya ang ginagawa mo!!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni daniel ,ngayon ko lang narinig sakanya na sinabi nyang girlfriend nya ako. Hindi ko alam pero nag uunahan ang mga luha Kong tumutulo. Girlfriend? Ang sarap pakinggan pero masakit isipin na wala syang nararamdaman sakin na concern lang sya kay michelle, bigla nya namang binitiwan ang braso ko at nagsalita ulit
"Tama ng arte yan kath! Pupuntahan ko na si michelle...ako ng bahala na humingi ng patawad" hindi pa sya nakakalayo at tinawag ko sya kaya napahinto sya pero nakatalikod
"May sasabihin ako sayo"
"ano?" parang asar nyang tanong
"Hi-hinalikan kasi ako ni ja-James" utal kong sabi kaya napalingon sya sakin. Galit ba sya? Pero bakit sya ngumiti?
"wag kang mag alala di ako galit... mas okay yan para makabawi kadin kasi nakita mo kami dati na magkahalikan ni michelle diba? Ge una na ako"
Hindi ko alam kong magiging masaya ako kasi atlast nagawa nya ng ngumiti sakin pero nabawi yun sa huli nyang mga sinabi na okay lang na hinalikan ako ni james? Bakit ganun? Parang wala syang pakialam? Ah Oo nga kasasabi ko lang kanina na wala syang nararamdaman sakin,Oo sakanya okay lang pero di nya alam masakit yun para sakin na boyfriend ko sya pero ni wala manlang syang pakialam. Sobrang SAKIT >.<
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Selosa
FanfictionSabi nila tanga daw ang sobrang pagmamahal sa taong hindi ka kayang mahalin, Pero di ba mas Tanga ang taong minamahal na nga ng sobra naghahanap pa ng iba?Ako si Kathryn Chandria Jimenez at ito ang kwento ko.