Chapter 21 : Couple Necklace/Flashback

1.4K 35 4
                                    

Kathryn's POV.

"So, anong balak mo girl? Bibigyan mo ba sya ng chance?" 

"I don't know" sagot ko habang nililigpit lahat ng gamit ko. 

"what if totoo ngang mahal kana nya? Na nahulog na talaga sya sayo?" 

"Baka niloloko nya lang ako, ang kilala kong daniel Hindi magagawa ang bagay nayun' Halos itulak nya na nga ako dati mawala lang sa piling nya e"

"Pano mo malalaman na niloloko kalang nya kong hindi mo susubukan?"

Hindi na ako sumagot pa sa tanong ni janella bagkus ay nagpatuloy nalang ako sa pagliligpit ng mga damit ko. Ngayon na kasi kami mag sisi-uwi, parang kelan lang ngayon uuwi na kami. Matapos yung pagtatapat sakin ni daniel sa C.r Hindi ko na sya nakita, ang sabi nila nauna na daw silang umuwi ni Michelle. Yun ba ang sabi nya na gagawin nya lahat mabalik lang ako sa piling nya? E Hindi nga sya nagparamdam sakin, isa lang ibig sabihin nun. Lahat ng sinabi nya ay puro kalokohan lang kasi gusto nya na umasa ulit ako sakanya gusto nya ulit akong saktan! Tsss. 

"Wala ka na bang nakalimutan dun?" bungad ni sam ng makalabas kami ni janella sa hotel. 

"Wala na" 

Kahit kailan talaga wala ng ibang inisip si sam kundi ako, bakit Hindi nalang sya yung mahalin ko? Bakit si Daniel pa? Tsk. Kainis naman kasi si sam, dati sya naman talaga ang gusto ko e' pero umalis sya kaya ayun nakilala ko si Daniel, at di nagtagal nainlove ako. Nainlove ako sa lalakeng ni minsan di naman ako mahal. Kainis! Alam ko naman dati pa na cassanova sya pero ang tanga ko kasi pumayag akong maging girlfriend nya syempre inlove na ako e, nahulog na ako sa patibong nya. 

Tumagal kami ni Daniel kaya ang akala ko mahal nya talaga ako sa pagkakaalam ko kasi dalawang araw lang nakikipag break na sya sa mga girlfriend nya samantalang ako tumagal. Habang tumatagal nababaliw na talaga ako sakanya hanggang sa dumating ang panahon na gusto nya ng makipag break. 

"Break na tayo!" sa puntong yun tumulo na talaga ang luha ko, mahal ko na sya e'

Ang Girlfriend kong SelosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon