Daniel's POV.
"Dude! What's up? Haha naglilinis kana pala dito sa Library?"
Buesit! Na kit yun pagtawanan daw ba ako? Tsaka yung prof.naman namin kainis, matagal na akong naiinis sa Prof. Namin babakla-bakla kala naman babaeng-babae ang itsura ! Kairita
Akalain nyo ba yun, isang gwapong tulad ko nagwawalis ngayon dito? Hindi na nahiya ang professor na baklang yun para utusan akong palinisin dito >.<
"Daniel, bakit ka naglilinis dito? Trabaho ng janitors ang paglilinis dito" sabi ni michelle ng makita ako
"Yeah! Yung magaling kasi naming professor, pinalinis ako dito dahil sinabihan kong pangit yung pesteng Sam nayun! Totoo naman yung sinabi ko ah, mas gwapo naman ako dun"
"Oo, naman mas gwapo ka talaga!" hinaplos-haplos nya pa ang braso ko, iniwas ko agad sarili ko sakanya naku! Sya talaga ang parati nalang gumagawa ng moves nya ang landi din nitong si michelle na girlfriend ko ngayon
Buti pa nga si michelle hindi nagsisinungaling kaya gumaganda lalo, Hindi tulad ng Kathryn nayun mas gwapo daw yung Sam nayun? Nak ng tokneneng naman! Bulag ba sya para hindi makitang gwapo ako? Haha bakit sya patay na patay sakin Kong hindi ako gwapo ano sya TANGA! Ah, Oo nga pala matagal na syang tanga sino ba naman ang di matatanga sa gwapong tulad ng isang Daniel?
"Wait lang, pupunta muna ako sa student council room,kita nalang tayo mamaya"
"O'sige, tatapusin ko lang to!"
"Bye, babe" sabi ni michelle, at hinalikan ako sa pisngi bago lumabas ng library.
Pumunta ako doon sa mga bookshelf at nilinisan ang pesteng alikabok, grabe naman yung Prof. Nayun! Ano ba gusto nya? Kainis!, patuloy ako sa paglilinis ng narinig ko ang tawa ni Kathryn, sumilip ako at nakita kong tawa sila ng tawa ng kasama nyang panget! Hindi naman gwapo
"Haha, napagbuntungan pa tayo ng galit" Kong makatawa tong si Kathryn, naku! Akala nya wala syang pinagdaanan. Alam kong nagkukunwari syang masaya pero ang totoo mahal nya pa ako
"You know Kath? Ang ganda mo na talaga ngayon" Sus! Nambola pa ang panget na sam nayan! Ah, ano pa nga ba? Edi sila nalang mag bola-bolahan, mga kawawa naman sila
Tumahimik silang dalawa at nagtitigan lang, Maya-maya lang ay hinawakan ni sam ang kamay ni Kathryn. Anong kadramahan naman yang pinag gagawa nila? Si Kathryn naman ngumingiti-ngiti pa, nakakainis silang dalawa,ano akala nila sa Library ? Park na pwedeng maglandian, naku! Hindi ako naiirita sa ginagawa nila sadyang ang papanget nila kaya na iinis ang gwapong ako!
"Ano kaba sam? Aasarin mo naman ako eh" hinawi ni kath ang kamay na nakahawak sa kamay nya, tsaka hinampas ng pabiro si sam
"Hindi, totoo na to Kathryn lalo ka talagang gumaganda"
"Aish! Wag mo na nga akong bulahin"
"Hindi ako nagbibiro,seryoso ako ngayon sa sinasabi ko" depensa naman ni sam
Ano ba naman yan? Nakakasuka ang kakornihan nila, tsk! Baliw talaga sila akala ko ba sila? Bakit parang naiilang si Kathryn, Ah! Alam ko na ginagawa lang ni Kathryn na panakip butas ang sam na yan, kasi gusto nyang matakpan ang sakit na nararamdaman nya' niloloko nya ba ang sarili nya? Sure ako na hindi nya kayang kalimutan ang tulad ko, Oo hindi nya ako makakalimutan mahal ako ni Kathryn, mahal na mahal
What the fVck? Bakit ko iniisip ang Kathryn nayan? Wala akong pake sakanya, wala talaga akong pakialam sakanya. Mas mabuti nga na makalimutan nya ako para hindi nya na ako guluhin, Shit! Magpapacheck-up na siguro ako ano tong nararamdaman ko ngayon! Hinampas-hampas ko ang ulo ko ng nakuha kong libro, mas mabuti to para makalog ang pag-iisip ko ng pangit na bagay

BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Selosa
FanfictionSabi nila tanga daw ang sobrang pagmamahal sa taong hindi ka kayang mahalin, Pero di ba mas Tanga ang taong minamahal na nga ng sobra naghahanap pa ng iba?Ako si Kathryn Chandria Jimenez at ito ang kwento ko.