Chapter 06 : what's with her?

1.6K 24 6
                                    

Jame's POV. 

"TANGNA!! pare anong nangyari sa mukha mo?" sigaw ni kit paglabas ko ng horror house.Oo dito ako na belong sa horror house kasama ang kumag na daniel nayun!

"Wala!" sagot ko kaagad tsaka ininom ang tubig na nasa baso. Umupo ako sa tabi ni kit 

"Tsk! Di ka naman siguro tsansing doon sa mga Babae kaya ka nasampal no?" 

"Baliw! Kong ano-ano isip mo eh"

 hay buhay! Di ko naman ginustong halikan si Kathryn, pero okay narin yun kesa naman makita ko syang iiyak nanaman. Bakit ba kasi minahal nya yung kumag nayun?>.<

"Hey!! JAMES!" sigaw ng pamilyar na boses. Di ko nalang pinansin naiinis ako lalo na sa kaibigan nya 

"Oh? Pare yan ba Hahah.." mgA lokong to! Kahit kaylan walang magawa. 

"Oyy! James." tinapik nya balikat ko. Kaya ang mga kasama ko panay tawa ng tawa

"bakit?" tipid kong tanong. Naiinis kasi ako sa kaibigan nya 

Sa kaibigan nyang si michelle, alam naman ni Michelle na meron ng girlfriend si Daniel pinapatulan nya pa. At para sabihin ko hindi ko ginustong halikan kanina si Kathryn kinuha ko lang atensyon nya kasi pag di ko yun ginawa malamang pinuntahan nya na at nakita nyang naglalandian boyfriend nya at si michelle bakit kasi minsan nag papakamartir yang Kathryn nayan ako pa ang naaawa sakanya: (

"Sungit mo naman!" sabi nya. Tsaka nya ako hinampas ng pabiro. Paryas talaga sila ng kaibigan nya ng ugali ang aarte 

"Oh alis muna ako!" paalam ni kit at umalis na,nagsunuran naman ang mga iba pang lalake 

Napatingin naman ako sa babaeng nakatayo sa gilid ko at pangiti-ngiti pa. Patayo narin sana ako para umalis ng pigilan nya ako, Ano nanaman problema ng isang to? Kong maka asta kala mo naman kagandahan! Ah Oo maganda nga pero di naman gaano sa ugali palang walang wala na aish >.<

"Ano ba kailangan mo?" kainis na babaeng to! 

"Sa totoo kasi ny---"

"Ano?" ang tagal nyang magsalita tsk! 

"HEY!! Trina so nakausap mo na sya?" nabaling namn tingin ko sa babaeng papalapit samin

"Ah eh O-Oo diba james?" nauutal na tanong ni trina. Anong sinasabi nito? Binulungan nya naman ako na "Kakain lang naman tayo kaya please sabay ka samin nag mumukha kasi akong out of place sakanilang dalawa eh" 

Ganun lang yun? Gusto nyang sumabay ako sakanila para hndi sya mag mukhang OP? tsk! Ang babaw ah, tiningnan ko naman ang babae at lalakeng tinutukoy nya sarap pag untugin nilang dalawa 

Kakain sya kasama si michelle pero di nya alam ang sariling girlfriend nya hindi pa kumakain para makasabay lang sya? Shit gusto ko syang suntukin pero ano ba naman karapatan ko? Buhay nila yan eh. Kaso ang babaeng pinapahalagahan ko nagmistulang tanga O nag tatanga-tangahan lang talaga? 

"O ano tatayo nalang ba tayo dito?" sarcastic na tanong ni daniel. 

"Please? Kah---" di ko na pinatapos pa magsalita si trina at umupo narin ako saka nila nilapag mga pagkain sa mesa. 

"O ano masarap ba?" tanong ni michelle ng subuan nya si daniel

Haist. Tuwang-tuwa syang sinusubuan sya ni Michelle. Bakit ba kasi hindi nya nalang sabihan si Kathryn na maghiwalay sila kong lolokohin nya lang din naman palA? 

"Alam mo James bagay kayo ni trina, bakit di mo sya ligawan para naman magka girlfriend ka!" pati ba naman lovelife ko papakialaman nitong michelle nato? 

Ang Girlfriend kong SelosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon