Chapter 30 : Michelle's Side

1.3K 41 16
                                    

Kathryn's POV.

Nandito kami ngayon sa cafeteria ni janella, wala naman kasi ang mga prof namin. Meron silang meeting, nakakabored sa loob ng classroom kaya dito kami tumambay ni janella sa cafeteria. Nag uusap tungkol sa bagay-bagay. Hindi din naman sya nag open ng topic tungkol kay Daniel kaya thankful din ako kasi baka bigla akong maiyak. Pero buo narin ang desisyon ko, aalamin ko lahat ng baka, na gustong itanong ng isip ko. 

"Uyy! Nandito pala kayo, kamusta?"

"Ok lang naman.." sagot ko sa babaeng sumulpot, umupo sya sa bakanteng upuan katabi ko.

"Haayy..naku! Kanina ok lang ngayon naman hindi na, may sumulpot kasing masamang hangin"

Palihim ko namang kinurot si janella sa braso. Obvious naman na si Michelle pinaparingan nya 'eh. Naging mabait na nga tong si michelle ayaw parin sakanya ni janella. Ewan ko dito sa bestfriend kong to, bakit ba ayaw nya kay michelle! 

"Ah...eh uhmm..Si-sige alis nalang ako, baka may importante kayong pinag-uusapan" tumayo na si Michelle para umalis kaya lang agad ko syang pinigilan. 

Kita mo, itong janella talagang to! Nagiging friendly na nga tong si michelle eh! Sinamaan ko si janella ng tingin.

"Wala. Wala naman kaming pinag uusapan. Oh? Ikaw kamusta ka naman?"

"Huh? Eh...Ok lang naman" sagot nya naman. Ngumiti naman ako sakanya. Napatingin naman ako kay janella na agad tumayo. 

"Oh? San ka pupunta?" tanong ko dito.

"Mauna na ako sa classroom,Kath. Sige alis na ako!  Ingat ka dyan sa katabi mo. Baka bigla kang kagatin nyan, alam mo naman aswang ang Isang yan" ng matapos nyang sabihin yan lahat agad syang umalis. 

Ang Girlfriend kong SelosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon