Chapter 29 : Baka?

844 20 3
                                    

Kathryn's POV. 

Dalawang buwan na magbuhat ng magising akong wala na sya...dalawang buwan nadin akong naghihintay,nagigising nagbabakasakaling babalik sya at sabihin sakin na hinding-hindi nya pala kayang mabuhay ng wala ako. Pero wala eh' walang lumitaw na Daniel sa harap ko. Ni balita wala na, tinanong ko sila James at iba nyang mga kaibigan pero pati sila wala ding alam. Pati nga pamilya nya hindi alam kong nasaan sya, pero may iniwan naman syang sulat.

Hindi ko alam kong bakit ako nasasaktan ng ganito. Yun naman ang gusto kong mangyari diba? Minsan natatawa nalang ako sa sarili ko, kong bakit ang tatag-tatag ko. Kong bakit kahit ilang beses na akong masaktan ilang beses sabihin na mag move-on at kalimutan sya..wala parin eh' ito parin ako ngayon patuloy umaasa na kahit sa lahat ng sakit ang binigay nya sakin sya parin. Oo sya parin talaga tinitibok nitong puso ko!

Hindi ko alam kong kaya ko syang kalimutan..

"Haaay! Kelan kaya ako mapapagod kakaasang babalik ka pa.." sinandal ko ang ulo ko sa upuan.

Buti naka jacket ako kaya hindi gaanong malamig. Kahit papaano narerelax akong nakaupo dito at nakatingin sa ulap na nagsisimula ng dumilim. Kapag naiisip ko sya pumupunta ako dito sa balcony, dito kasi makikita mo ang ulap at mararamdaman mo din ang haplos ng hangin. Sobrang nakakarelax dito..

"Aish! Mukang nakikisabay pa ang panahon sa nararamdaman ko" talagang dumidilim na at parang anytime babagsak na ang ulan. 

"Ang swerte nya.."

Napatingin ako sa gilid ko ng tumabi si Sam. Napakunot din ang noo ko sa sinabi nya. 

"Huh? A-anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko.

Ngumiti sya ng hindi nakatingin sakin. Nakatingin lang din sya sa ulap. Minsan talaga hindi ko maintindihan si Sam, pero kahit ganyan yan. Sobrang mahal ko yan, bilang kaibigan. Napabuntong hininga nalang ako at tumingin narin lang sa kawalan. Mukang wala naman syang balak sabihin 'eh. Ilang minuto Napatigil naman ako at tumingin sa kanya ng magsalita sya.

Ang Girlfriend kong SelosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon