Chapter 19 : Pool Party/He's Feelings

1.2K 36 4
                                    

Kathryn's POV. 

Ngayon gaganapin ang pool party namin. Kaya naman todo pag me-make up ng malanding Michelle nato, grabe kong makalagay ng blush on eh' bakit di nya ako gayahin? Naka lagay lang ng kaunting powder sa mukha maganda na. Hmp! Sabagay maganda naman kasi ako kahit walang make-up kaya di ko sya masisisi kong sya naglalagay ng make-up kasi ang panget nya. Lol!

"Sobrang ganda ko na ba talaga kaya Hindi mo ma alis ang tingin mo sakin?" sabi pa nya, habang patuloy sa paglalagay ng blush-on. Napasmirk naman ako sa sinabi nya, ang lakas naman ng confident nya sa sarili. Kuko ko palang walang-wala na ang pagmumukha nya tsk. 

"Nagpapatawa ka ba? Ako nagagandahan sayo?" napailing ako sabay suklay sa maganda kong buhok "Haha nakikita ko palang mukha mo natatawa na ako eh' mukha ka kasing clown, OMGEE don't tell me ikaw ang magiging clown sa party ngayon? Well, mas ok nga yun para Hindi Naman magmukhang boring ang party" sa sinabi ko tumawa ng malakas si janella na kanina ay seryoso na nakatingin sa phone nya. 

Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na halatang nairita si michelle sa sinabi ko, sabayan ba naman ng malakas na tawa ni janella. Sa tingin mo di ka maiirita? Wahaha. Patuloy ako sa pagsuklay sa buhok ko ng magsalita si Michelle 

"Tsk! Kong clown ako bakit nainlove si daniel? Ha.Ha.Ha, ang sabihin mo maganda talaga ako" patawa-tawa pang sabi ng bruha. Nakakairita!  Baka naman kasi sya ang pinili ni Daniel kesa sakin kahit na mas maganda ako, kasi binibigay nya ang gusto ni Daniel? Nakakabwisit! Pero dapat di ako dapat magpakita na naiirita ako kaya naman tumawa ako ng malakas

"Naku! Kong anong ke-kapal ng blush-on, yun din ang mukha!" sabi ko ng natatawa sabay pabirong hampas sa hangin. Tumawa nanaman ng malakas si janella, puro nalang tawa naririnig ko kay janella. Umirap naman si Michelle at malakas na binagsak ang make-up kit nya, sabay padabog na pumasok sa loob ng c.r , Natatawa talaga ako pag naiirita sya' mas lalo syang pumapanget!

Mga ilang minuto bago sya makalabas ng c.r, shock na shock talaga ako. Aba't naka swimsuit na talaga ang bruha na halos lumabas na ang dibdib. Lumakad sya na parang pinapakita nya talaga sakin kong anong meron sakanya tsaka sya huminto sa harap ko at tiningnan na nagsasabing Ano-ka-ngayon-look.  Tsk! Lumamang lang sya sakin sa dibdib pero wala naman syang curves sa katawan. Tumawa ako ng mahina. Napansin nya yun kaya naman umirap sya at kinuha ang robe na nasa kama nya sabay suot nito 

Kasabay nun ang pagkatok ng kong sino man sa pinto. Umirap muna si Michelle sakin bago nya binuksan ang pinto. Tsk! Di ko nalang pinansin at tumingin nalang sa salamin habang nagsusuklay. 

Ang Girlfriend kong SelosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon