Chapter 22 : Thank you

1K 36 2
                                    

Kathryn's POV. 

Ilang linggo din kaming walang pasok at ngayon oras nanaman para pumasok sa paaralan. Hindi ko alam kong handa na akong harapin si Daniel pagkatapos ng sinabi ko sakanya at sa pagtatapat nya sakin, Ngunit isa lang ang pumapasok sa isip ko ngayon. 'kailangan kong panindigan ang sinabi ko sakanya,dapat ipakita ko na masaya ako kay Sam' kahit kunwari lang. 

"Ang sweet talaga nila"

"Kinikilig ako sakanila"

"Bagay talaga sila"

Kinurot ko naman sa tagiliran si Sam, kaya kami pinag uusapan ka aga-aga kasi nakahawak sa bewang ko ang mokong. 

"Tsansing ka lang e" sabi ko sa nakangising sam. 

"Sus! Tsansing ka dyan. Di naman kagandahan ng katawan mo para tsansingan ko" sinamaan ko naman sya ng tingin kaya tinikom nya nalang ang bibig nya. 

Papasok na kami ng classroom namin at saktong lalabas si Daniel. Nagtama ang mata namin agad nya yun iniwas at tumingin sa kong saan man nakahawak si sam ngayon. Nagulat ako ng kunin nya ang kamay ni sam dun. Kita ko sa mukha ni Daniel ang pagkainis,tumingin sya sakin.

"Pwede bang wag kang magpapakita sakin Kath,kapag may..." napatigil sya at umiwas ng tingin sakin "May ibang humahawak ng bewang mo" 

Bago pa ako makareact naglakad na sya palayo. Hindi ko alam kong ano tong nararamdaman ko,kong kikiligin ba ako o ano man. Napailing nalang ako at naglakad para umupo sa pwesto namin ni sam. Nakarating na ang prof namin at wala parin si Daniel, hanggang sa matapos ang klase wala parin sya.

"Talaga,Sinabi nya yun?" tumango ako kay,janella "So? Ano sa tingin mo? Talaga bang bakas sa mukha nya ang pagsisisi dahil pinakawalan ka nya?" 

"I don't know" sabi ko sabay subo ng fries. Kanina pa talaga nangungulit sakin tong si janella kainis

"Oww..Look who's here? The boyfriend stealer!" 

"What the-?" napatingin kami ni janella sa likuran ko. Si Michelle kasama ang mga alipores nya, napAtingin ako kay Michelle na mukang galit na galit pero laking gulat ko ng makita ang mga pasa sa balikat at mukha nya. 

Ang Girlfriend kong SelosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon