Chapter 15 : Hottie Dancer

1.4K 35 5
                                    

Kathryn's POV. 

"Gosh!  Sana hinayaan mo nalang akong mag-isip ng paraan, bakulaw. Hindi na inako mo na ikaw ang boyfriend ko" Ano ba kasi ang pumasok sa isip ng mokong nato't sinabi nyang sya ang boyfriend ko eh. 

"Tsk. Nalaman ko kasi na sya yung tinutukoy doon sa facebook mo na ex mo, daniel ba pangalan nun? Ah, Oo daniel nga! syempre ayaw kong mapahiya ka doon kanina sa maraming studyante"

"eh? Kaya ko naman na humanap ng paraan para hindi ako mapahiya eh' dapat ako nalang bahala na humanap ng magiging fake boyfriend ko, hindi na basta kanalang susulpot at sabihin na ikaw yun-" 

"Sshhh..Tama na okay? Ginusto ko to" sabi nya habang tinatakpan ang bibig ko ng daliri nya "wag kang mag-alala, hindi ka mapapahiya pagkasama mo ako"

Napangiwi ako at hinawi ang daliri nya sa bibig ko, "Sandali nga, Bakit mo suot ang kagaya ng uniforms dito sa school?" tanong ko sakanya, umakbay naman sya sakin at dinala nya ako sa bleachers malapit sa field,wala masyadong tao dito

Umupo kaming dalawa sa bleachers tsaka nya hinawakan ang magkabila kong braso, Hinarap nya ako sakanya "Well, gusto kong makasama ka ng matagal kaya dito na ako mag-aaral" 

"Ha?" 

"Ayan ka nanaman eh, mukang hindi ka masaya" ngumuso sya at binaling ang tingin sa field, napangiti nalang ako sa inaasal nya ang cute kasi eh, sarap kurutin 

"Ano kaba!" pinalo ko sya sa braso habang patawa-tawa pa, napakunot naman ang noo nya ng tumingin sakin "hahaha, syempre gusto ko na andito ka mag aaral"

"Talaga?" masaya nyang tanong sakin na kulang nalang ay tumalon talon sya sa field, binigyan ko sya ng matamis na ngiti at tumango nalang, napahigpit nanaman ang pagkakayakap nya sakin

Kumalas lang sya ng may nagsalita sa gilid namin "Totohanan na ba yan?" tanong pa ng kakarating na si james, kasama nya din si janella at ang lapad ng ngiti 

"OMG! SAM? IKAW NGA!!" natawa nalang ako sa expression na pinakita ni janella, mahigpit silang nagyakapan, bumaling agad si janella sakin at pabalik-balik ang mata saming dalawa ni sam "Hmmm..ano yung nabalitaan namin na may bago kang boyfriend? At si sam?  Magbestfriend kayo diba?" 

"Actually janella wala kaming relasyon" halatang naguluhan naman si james at janella sa sinabi ko kaya si sam ang nagpaliwanag ng lahat 

"So,Magkukunwari kayo?" tanong agad ni janella ng naintindihan lahat 

"Kath, wala kana ba talagang feelings sakanya?" pahabol pang tanong ni james 

"Uhmm..sa totoo lang? Oo meron parin, di naman ata pwedeng agad-agad nalang syang mawawala dito sa puso ko, pero nasaktan ako at nainis sa sinabi nya kanina na disperada ako sakanya. Ayaw ko ng tawagin nya akong disperada kaya gusto kong magkunwari na Hindi ko na sya naiisip"

"Gusto kong maisip nya din na hindi lang sya ang pwede kong mahalin, na hindi habang buhay magpapakamartyr ako,nagiging mataas kasi ang tingin nya sa sarili nya kaya ganyan sya maka-asta na akala nya habang buhay sya lang ang gugustuhin ko"

Bumuntong hininga naman si james sa sinabi ko "Haaaay..buti naman at natauhan kana kath"

Napatingin kami sa isa't-isa ni sam at sabay ngumiti, Mapanindigan ko kaya yang mga nasabi ko? URghhh.. basta!  Gusto ko ng maging malakas, gusto kong hindi na ako masabihan na patay na patay kay daniel 

***

"Okay class, siguro naman kilala nyo na ang new student diba? If I know dito din sya nag aaral dati" 

Ang Girlfriend kong SelosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon