Chapter 09 : Lasing lang sya

1.6K 19 2
                                    

Kathryn's POV.

Buong araw lang akong nasa bahay namin, dito lang ako sa kwarto ko di narin ako pumasok muna sa school tutal wala naman gaanong, importanteng gagawin doon bukod sa pag seset-up at dicorate para sa last event ng festival sa school. 

Meron'g practice silay janella ng production number nila ngayon, pero humingi ako ng paumanhin na hindi ako makapunta doon, at naintindihan nya din naman, kasalukuyan akong humihiga at nakatingin lang sa kisame ko ng biglang may kumatok sa pinto ko. 

"Ma'm Kath, andito po si sir daniel!" halos mapatalon ako sa kinahihigaan ko ng masabi nya ang pangalang daniel 

Kinusot ko ang mata ko at nanghilamos bago ko buksan ang pinto ng kwarto ko 

"Pa-paki tanong po kong anong g-ginagawa nya dito" utos ko sa maid namin.

Habang nagsusuklay ako ng buhok ko nabigla ako ng nakita ko ang repleksyon ng lalaki na nakatayo sa pintuan at seryosong nakatitig sakin,nanlaki ang mata ko at humarap sakanya 

"A-ano ba ang g-ginagawa mo di--" di nya pinatapos sasabihin ko at umupo sa kama ko 

"Sshhhh" sabi nya at nilagay ang thumb nya sa lips nya para sabihin saking wag ng magtanong,humiga sya sa kama ko at pinikit ang kanyang mata 

Napakunot nalang ang noo ko habang tinitignan syang nakapikit, sa tinatagal-tagal namin ni daniel mula pa kami ng third year kami at ngayon fourth year nakami, ngayon lang sya pumasok dito sa kwarto ko.

"Ma'm kath! Pasensya na po, di ko sya napigilan. Pumasok po talaga sya dito!" tarantang humihingi ng patawad ang isa sa maid namin, tumango ako sakanya at binalik ang tingin kay daniel na nakapikit parin ang mga mata 

"Mas mabuti po siguro na ipahatid natin sya sa driver para makauwi na po sya,mukang galing ata sa bar lasing po sya" 

I sighed. Kaya naman pala! Akala ko pagkakataon nato na mahalin nya ako pero hindi, nakakatawa lasing lang pala sya kaya pumunta sya dito. Bakit kaya sya lasing? 

"Sige. Ako na bahala sakanya" sabi ko, iniwan nalang kami ng maid namin.

Ang gwapo nya talaga, di ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sakanyang mukang mahimbing na nakatulog. Sana pala parati nalang syang lasing, SANA... 

"Magsorry ka sakanya"

Nabawi ang ngiti ko ng maalala ko ang sinabi ni daniel na magsorry ako kay michelle. Hinawi ko ang buhok ni daniel habang nakatutok ang tingin sa natutulog nyang mga mata, di ko maiwasang mapaisip. 

Hindi ko maiwasang mapaisip kong ano ba ang meron kay michelle na wala ako,Dahil ba mistisa sya, mas maganda ba sya sakin? Kailangan ko ba mag make-up araw-araw? Bakit ba hindi mo ako magawang mahalin daniel..? Kong sakali ba na itstura ko si michelle mamahalin mo ba ako..?

Yan nalang ang tanong ko sa isip, habang unti-unting tumutulo ang luha ko.Ang sakit isipin na hindi ka mahal ng taong mahal mo... 

Natigilan lang ako sa pag-iisip ng may tumunog galing sa bulsa ni daniel, hindi tumitigil sa pagtunog ang kanyang phone, gigisingin ko nasana sya ng mAalala kong ayaw nya palang may ng iistorbo, dahan-dahan kong kinukuha sa bulsa nya ang kanyang phone. Merong 15 missed call galing sa daddy nya, Nilapag ko sa tabi nya ang kanyang phone ng tumunog ito ulit kaya sinagot ko 

"Hello?" 

"hello po tito,si Kathryn po ito"

"Te-teka andyan sya sainyo? Ah, mabuti natinag din sya"

"Po?"

"Ah, wala iha sige ikamusta mo nalang ako sa daddy mo"

"O-okay po"

Ang Girlfriend kong SelosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon