Sam's POV.
Nandito ako ngayon sa veranda ng kwarto ni kathryn,binabantayan ko sya. Hindi ko alam kong anong nangyari. Nag-aalala ako sa kalagayan nya, tinanong ko sya kong anong problema pero hindi nya sinasabi sakin, isang gabe umuwi sya dito ng basang-basa at halatang umiyak. tinanong ko sya kong anong problema pero ang tanging sinabi nya lang "Wala" pati si Janella nag aalala narin sakanya.
PAngalawang beses na daw nag kaganito si kathryn, dati daw ng dahil kay daniel wala din sya sa sarili na parang may sariling mundo. Kong hindi ko sya pipiliting kumain hindi din sya kakain. Hindi ko din maiwasang maisip si daniel, Sya kaya ang dahilan kong bakit nagkakaganyan si kathryn? Gusto ko sanang tanungin si daniel tungkol dito pero hindi naman sya pumapasok sa school. Hindi ko nadin sinabi sa daddy ni kathryn baka kasi pagnalaman nya mag-aalala yun. Nandun pa naman sya sa ibang bansa.
"S-sam?"
Agad naman akong pumunta sa loob ng kwarto ni kathryn. Kakagising nya lang mukhang umiyak nanaman to' dahil mugtong-mugto ang kanyang mata.
"Hindi ka nanaman daw kumain kagabe?" tanong ko sakanya habang inaalalayan syang makaupo ng mabuti.
"Wala akong gana" kinuha nya ang cellphone nya sakanyang side table at naglaro. Inagaw ko sakanya ang phone nya, kailangan nyang kumain. "Sam naman, akin na nga yang phone ko" tinaas ko ang phone nya para hindi nya maabot.
"Kainin mo muna to' bago ko ibigay tong phone mo sayo" ngumiti naman sya sakin. tss. ganyan nalang sya, ginagamit nya nanaman ang ka-cute an nya.
"Sige na pleaaaase? ibigay mo na ang phone ko pleeeassee sam" hinawakan nya pa ang braso ko. hindi nya na ako madadala, lumayo ako sakanya. "Yah! sam. bigay mo na sakin yan pleeasee?"
"Psh. hindi mo na ako madadala dyan. As I said kainin mo muna ang nilapag ko dyan sa side table mo, Bago mo makuha ang phone mo" Nag pout naman sya at umirap sakin. Ang cute nya talaga pag nagagalit O naiinis.
"Tss. Ang Dayaa mo!" wala na syang nagawa kundi kainin ang nakahain sakanya. Kakainin din naman pala ang dami pang satsat
"Ubusin mo yan at mag-ayos ka, punta tayong mall" napatingin sya sakin.
"Tinatamad ako, dito nalang ako sa bahay"
"Kapag di ka sumama isusumbong kita sa daddy mo na hindi ka kumakain at umuwi ka ng gabe at basang-basa kapa ng ulan" Bigla naman syang nalungkot. Ano ba kasi ang nangyari ng gabing yun? Tsk! Lagot ang daniel nayun pag nalaman kong sya ang dahilan ng lahat ng to! "Sige na sumama kana kath, kesa naman magmukmok ka buong araw dito" Ngumiti ako sakanya

BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Selosa
FanfictionSabi nila tanga daw ang sobrang pagmamahal sa taong hindi ka kayang mahalin, Pero di ba mas Tanga ang taong minamahal na nga ng sobra naghahanap pa ng iba?Ako si Kathryn Chandria Jimenez at ito ang kwento ko.