Chapter 27 : The Last?

997 24 6
                                    

Kathryn's POV.

Kapag iniisip ko yung sinasabi nyang pagkatapos ng gabing 'to kasabay nadun ang paglimot nya sakin. Kaya ko bang mawala na sya sakin? Hanggang ngayon naglalaro sya sa utak ko. Si daniel ang isang lalakeng minahal ko ng sobra sabi nga doon sa kanta na

 ~kahit binabato mo ako' ng kong ano-ano ikaw parin ang gusto ko. Kahit na sinasaktan mo ako't sinisipa nasusugatan mo ikaw parin walang iba..ang gusto kong makasama~

Ganun ko naman talaga sya kamahal na kahit saktan nya ako ng paulit-ulit sya parin. Gustuhin ko mang sabihin na kong pwede ibalik nalang yung dati hindi ko naman kaya kasi paryas na kaming nag let go. At kahilingan ko yun. Pero tingnan mo ngayon ako itong nanghihinayang at nagsisisi. Nakaupo ako dito sa kama ni daniel nandito kasi kami sa condo nya. May kinuha lang naman sya sa labas kaya hihintay ko nalang sya dito ng biglang tumunog ang phone ko,Chineck ko yun at nakita ko ang pangalan ni sam sa screen, sasagutin ko na sana ng may umagaw ng phone ko.

"Oyy. Ano ba tumatawag si S--" di ko natapos sasabihin ko ng takpan nya agad ang bibig ko.

"Si sam? Si Sam nanaman? Pwede ba ako muna isipin mo kath,Tss." Ramdam ko naman na anytime mamumula ako sa sinabi kaya umiwas ako ng tingin. Lakas talaga epekto ng lalakeng 'to "Kahit ngayong gabe lang naman ang hinihiling ko.." Mahinang sambit nya. Bigla naman akong nalungkot

"A-akin na nga yang phone ko" Binigay nya naman agad yun sakin. 

"Oh,Basta siguraduhin mong wag kang tumawag-tawag sa Sam nayun" Wala akong nagawa kundi tumango nalang sakanya. Nakatingin lang sya sakin hanggang sa nilahad nya ang kamay nya sakin "Come with me" inabot ko naman agad yung kamay nya.

Umakyat kami sa rooftop. Pag-akyat palang namin nagulat na ako sa bumungad sakin meron kasing table doon para sa dalawang tao, may mga nakalagay na mga petals ng rose sa dinadaanan namin , meron ding sound ewan ko kong saan galing yun pero sumasabay sya sa ihip ng hangin. Napatingin ako kay daniel nagulat naman ako na ang lapit na pala ng mukha nya sakin

"Nagustuhan mo ba?" bulong nya sa tenga ko kaya nagsitayuan ang mga balahibo sa katawan ko. Ang husky ng pagkakasabi nya nun sakin.

"Pa-para saan ang lahat ng to?" inakbayan nya naman ako at naglakad sya kaya napapasunod nya ako. Napatingin naman sya sakin

"Para sa atin" diretsahang sambit nya. hindi ko alam pero sadyang ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Bakit ba kasi sya nagsasalita ng mga ganyan eh!

Ang Girlfriend kong SelosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon