Janella's POV.
"Okay ladies, tumingin kayo sa photographer nating sobrang gwapo"
Gwapo? Tss. Eh ang panget nga nyan eh, bulag siguro ang Prof. Namin at sinabing gwapo ang photographer na yan, di pa ako nakaget-over sa ginawa nila kanina mismong sa maraming tao pa? Wala na talagang binatbat ang Jonas na yan kundi puro kamanyakan at sa kasamaang palad sya pa ang photographer? Nakakabanas na!
"janella ngumiti kanaman dyan sige ga papanget ka nyan" reklamo ng panget na photographer
"Anong pake mo? Bilisan mo ngang kumuha ng pictures dyan, may pupuntahan pa ako" pasigaw kong sabi sakanya at inirapan sya.
"Sus! Suplada" sabi nya pa ng hindi nakatingin sakin habang nakatingin sa kawalan"Dapat gamitin mo ang pagiging photogenic mo! Hindi na nagsisinuplada ka dyan" tumingin sya sakin ng nakangisi, ng iinis talaga ang mokong nayan.
Pagkatapos ng mga ginawa nya nagagawa nya pang ngumiti? Nakakabanas talaga. Siguro pumipigil sya ng tawa, pinagtatawanan nya ako sa mga nangyari kanina kong pano ako pagtawanan ng mga studyante ng nadapa ako sa intablado, kainis sobrang clumsy ko talaga!
*CLICK!!*
Natapos na ang pagpipicture namin ng mga kasama kong contestant,at nagsilabasan na sila. Nililigpit ko na ang mga dala ko ng lumapit sakin si trina na ang lapad ng ngiti
"Congratulation pala, naging first runner up ka. Tsk! Okay lang yan kahit natalo kita atleast naman naawa pa ang judges sayo kaya naging first runner up ka!" ngumiti sya sakin at nilahad ang kanyang palad sakin, tiningnan ko lang ang nakalahad nyang palad. Anong akala nya sakin makikipag kamay sakanya? NO WAY! Kasi pag nakipag kamay ako ibig sabihin kinong-gratiolate ko din sya kasi sya ang naging campus princess
Oo, sya ang nakakuha ng trono. If I know sinuwerte lang sya kasi nadapa ako. Kaya nagsorry ako kay kath kasi napunta sakanila ang koronang iningatan nya
"Oyyy! Congrats nga pala trina, Sexy mo ah" agad nya kinuha ang kamay ni trina na nakalahad sakin at nakipagshake hands silang dalawa, Sexy? Mas sexy naman ako no! Buesit na lalake.
"Ah, S-salamat" aba! Nahihiya pa ang loka! "S-sino pala ang kasama mong babae kanina?" tanong pa ni trina sabay tingin sakin , napakamot ng ulo si jonas
"Yun ba? Ah eh-" di na ako nakikinig sakanila at kumaripas na ako palabas ng auditorium. Tsk! Para anong makinig pa ako,
Kahit kailan walang binatbat ang mokong nayan! Saan naman galing yung sinabi nyang di sya titigil kakaligaw sakin? Sabi nya liligawan nya ako at di sya titigil hanggat di ako umu-Oo tapos ano to? Nakikilandian sya sa iba! Sa pinapakita nya nararapat lang na Hindi ko sya sagutin
"Baby janella!!"
Naku! Bakit ko sya sasagutin? Hind ko naman sya gusto nakakainis sya, Nong isang araw sabi nya susuportahan nya ako, tapos kapag nakikita ko sya kanina ni hindi nasa saakin ang atensyon nya kundi sa babaeng katabi nya. Sinubukan kong tumingin sakanya ng tinawag na ako para sa question and answer pero busy padin sya at ang masaklap naghalikan sila kaya nadapa ako, bakit ba?
"Janella!!"
Bakit ba ako naiyak kanina? Yung pakiramdam nayun ang hindi ko maintindihan,Ah.. wala siguro nadala lang ng kaba ko or ng inis kasi ako nililigawan nya tapos may kalampungan naman sya diba nakakainis yun? Oyy teka bakit naman ako maiinis? Arghhh ang gulo
"Janella, iniiwasan mo ba ako?" napalapit naman ang katawan ko sakanya ng hilain nya ako "Kanina pa kita tinatawag" dagdag pa nya.
Lumayo ako sakanya at umarteng nadidirian sa paghawak nya sakin kaya pinunasan ko ang balikat ko na hinawakan nya "Ano ba kasi ang kailangan mo?" irita Kong tanong sakanya

BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Selosa
FanfictionSabi nila tanga daw ang sobrang pagmamahal sa taong hindi ka kayang mahalin, Pero di ba mas Tanga ang taong minamahal na nga ng sobra naghahanap pa ng iba?Ako si Kathryn Chandria Jimenez at ito ang kwento ko.