Chapter 12 : Awkward

1.5K 31 8
                                    

Kathryn's POV. 

"Perfect!!" bungad ni janella paglabas ko ng fitting room nya,dito mismo sa closet room nya din. 

Ang mommy ni janella ay isang sikat na model at sakanila din ang pinaka sikat na fashion industry dito sa bansa, kaya hindi na ako magtataka kong bakit napaka laki nitong closet room ni janella. Napatingin naman ako sa pinasuot nya sakin na dress light pink sya na tubeless na parang isang ihip lang ng hangin ay lilipad-lipad na ito, basta maganda sya napaka refreshing sa mata ang kulay nya yung buhok ko naman curl lang sa ibaba tsaka nilagyan din ni janella ng konting highlights dito sa bangs ko,Hindi sya full bangs half bangs lang. 

"Sigurado ka bang bagay sakin?" tanong ko sakanya, sabay tingin sa salamin 

"Oo naman, bagay na bagay sayo ang kulay na yan! Lumalabas talaga ang tunay mong ganda" sabi pa nya "lalagyan din kita nitong lipgloss" nilagyan nya ako ng lipgloss yung pink rose color 

"Bakit mo ba ako binibihisan at pinapaganda?" tanong ko, akala ko ba tutulungan nya akong makalimot eh ano tong ginagawa nya? Mukang hindi ko naman nalilimutan lahat. 

"Para makalimutan mo sya, iniba ko ang look mo kasi yung dating look mo yun ang Kathryn na patay na patay sa gagong daniel nayun!" napakunot naman ang noo ko, hindi ko sya maintindihan. 

"Huh?" 

"Aish! Nevermind, gusto ko lang blooming ka parin,kasi pag hagard ang mukha mo iisipin ni daniel na Hindi mo pa sya nakalimutan!" 

"eh? Totoo naman na hindi ko pa sya nakakalimutan eh!" 

"Ganun nga eh!  Oo Hindi mo pa sya nakalimutan, kaya mag pretend ka nalang na Oo nakalimutan mo na sya!  Para maisip nya na hindi lang naman sya ang lalake dito sa mundo at marami kapang pwedeng mapusuan, sumusobra na kasi ang ugali ni daniel nagpapakasaya sya kasi maraming nagkakandarapa sakanya kaya sa  sobrang dami bumawas kana!" 

"So? Ganun ang point mo, sa sobrang dami ng nagkakagusto sakanya babawas nalang ako?" 

Hindi ko maintindihan ang babaeng to! Hindi ko makita ang punto nya 

"Ganito kasi yun, ikaw ang sumuko diba?" tumango ako sakanya "Kaya panindigan mo ang sinabi mo, na ayaw mo na! Kasi ang iniisip ni daniel hindi mo kaya kasi sobrang patay na patay ka sakanya, kaya ipakita mo sakanya na kaya mo! At pinaninindigan mo ang sinabi mo, kailangan mo din magtigas-tigasan Kath, wag kang maging mahina pagdating sakanya" 

Sinabi lahat sakin ni janella at naintindihan ko na lahat ng sinasabi nya, na kailangan hindi ako maging mahina at kailangan parati akong masaya. 

Gaya din nong nasa libro na 7 ways ba yun o 8 ? Basta ways to forget your ex boyfriend itapon O sunugin lahat ng nakapag paala-alang bagay sakanya kaya sinunog namin ang mga Binigay ni daniel sakin dati pati mga pictures namin, tinapon ko nadin ang sim ko kasi andoon ang number nya. Basta lahat ng nakapag ala-ala tinapon ko na except sa puso ko. Kong pwede lang itapon to at bumili ng bago, ginawa ko na. Pero hindi e! Nakatanim na ang pangalang daniel dito. 

"Tara na?" patanong na sambit ni janella at kinuha ang bag nya malapit sa salamin 

"Saan?" 

"Tsss..Mall"

Ngumiti ako sakanya at sumama nalang,matagal na kaming hindi nag ma-mall ni janella kaya pagbibigyan ko na sya. Sumakay kami sa kotse nya at dahil di sya pinapayagan ng daddy nya magdrive, syempre merong driver. Nasa likod kami ni janella nakaupo at hinihintay nalang makarating sa mall. Nahahalata ko din ang panay kunot ni janella ng noo nya at pinipindot ang phone nya na anytime pwedeng mabasag sa sobrang diin nyang pumindot. 

Ang Girlfriend kong SelosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon