Chapter 13 : Sya pala yun❤

1.5K 35 8
                                    

Kathryn's POV.

"I miss you, I'm excited to see you again kathryn" 

Di talaga maalis ang mata ko sa screen ng phone ko hanggang dito sa bahay, kahit na andoon pa kami kanina sa kotse ni janella. Sino ba kasi ito? Hindi naman pwedeng si daniel kasi nagkita din naman kami kanina,tsaka bago itong number ko ngayon at ang nakakaalam lang nito ay si daddy at janella

Paulit-ulit kong binabasa ang message ng may kumatok sa pinto, mabuti nga at natigil ako kakatitig sa message nato, 

"Pasok" sigaw ko sa kumakatok sa pinto, agad naman pumasok ang isa sa mga katulong namin at tinanong kong anong ihahanda nya. 

"Ahmm..busog po ako" sagot ko sa nakayukong katulong namin, tumango lang sya at lumabas na. 

Tik.. tok... tik.. tok 

Parang sumasabay ako sa pag ikot ng orasan, hindi parin ako nakakatulog at umiikot lang sa kama, Sinubukan kong takpan ng unan ang mukha ko at pumulupot sa kumot pero di parin ako nakakatulog.

Nakakainis!! Bakit hindi ako makatulog? Umayos naman ako ng upo at kinuha nalang ang laptop ko tsaka ko inopen ang facebook ko. Hihintayin ko nalang siguro na maantok ako'

Ang Girlfriend kong SelosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon