Chapter 20 : I hate you daniel

1.4K 42 12
                                    

Kathryn's POV. 

Nakaupo kami dito ngayon sa upuan iisang table lang magkatabi kami ni sam, si janella at yung si six si Jonas at yung kasama nyang babae. Natatawa nalang ako sakanila nag iinggitan sila. Kahit kailan talaga ang mga pride nila eh' ayaw patalo. Kaya ayan ngayon nakahawak si janella sa braso ni six, yung girl naman inaakbayan ni jonas. Sus! Si janella at Jonas kunwari pa, paryas lang silang masasaktan nyan eh! 

"Six, punta ka mamaya sa kwarto ha,kwentuhan tayo" maarteng saad ng bestfriend ko. 

"Sige ba!"

"Yieeh! Ang pogi mo talaga" sabay pulupot ni janella sa braso ni six. Ang kawawang six nadamay pa sa lovestory ni janella at Jonas. 

"Honey, gwapo ba ako?" tanong naman ni jonas sa girl. 

"Of course,kaya nga like kita eh"

"Talaga? Well..hot ka, hot din ako. Maganda ka Gwapo ako kaya totally perfect tayong dalawa" sabi ni jonas sabay tingin kay janella. Kinilig naman yung girl at niyakap si jonas. 

"Tsk! Ang lalandi" bulong ni janella na narinig ko naman. Haha yan problema sakanya sya ang nangunguna pero sya naman na aasar. Ang gulo nya promise. 

"Nakangiti ka dyan" sulpot ni sam sakin. Ngumiti ako sakanya 

"Nakakatuwa kasi silang tingnan, si janella at jonas nag-iinisan pero makikita mo naman sa mata nila na may gusto sila sa isat-isa" 

"Oo, nga e" 

Napangiti nalang din ako sa sagot ni sam. Ramdam ko naman na may nakatingin sakin kaya nilingon ko sa gilid si butiki nakatingin lang sakin. Umiwas ako ng tingin, Hindi ko alam kong anong e-rereact ko sa sinabi nya, na nahuhulog na sya sakin. Kunwari nalang na Hindi ko narinig yun, kahit narinig ko naman. Yung mga mata ni daniel kanina parang may lungkot? Tsk! Ewan di ko alam.

"Kath,anong gusto mong inumin? Gusto mong uminom ng apple juice?" tanong ni Sam, di pa ako nakakasagot may sumagot na. 

Ang Girlfriend kong SelosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon