Chapter 2

15.6K 737 28
                                    

Pinalobo ko ang pisngi ko. Feeling ko pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Yung kaisa-isang taong gusto kong maging kaibigan, mukhang ayaw nga talaga sa akin. Lucy, why?

Isang buong school week na ang lumipas kaya...why?

"Siguro, ayaw niya sa maingay." Singit ni West na halos naka-glue na ang mata sa cellphone. Naningkit ang mata ko sa sinabi niya.

Oo madaldal ako pero hindi naman ako ganoon kaingay.

"Whatever," I cross my arms at kahit na hindi niya nakikita'y ngumisi ako. "Then I'll make her like my pagiging madaldal. Simple!"

"Eh, ayaw nga sa'yo."

"West naman, support ka na lang!" Giit ko. "Kambal mo 'ko, eh."

Tumango na lang ito at hindi na nagsalita. Ngiting-ngiti naman ako. Yie, hindi talaga ako matanggihan ng kapatid ko.

"'Uy, West!"

Napalingon ako sa dumating. Nginitian ko si Jamaica na kasama yung boyfriend niya. Pero parang gusto kong mapangiwi sa view. Parang linta kasi kung makakapit siya sa lalaki. Like, seriously? Walang aagaw diyan!

"Sibat na ako," bulong ko kay Westy, "ja!"

Binati ko lang yung bespren ni kambal ng isang mabilis na tango bago naglakad paalis. Hahanapin ko na lang si Lucy para naman masulit yung break time namin.

"Now, Lucy, where art thou?" Tanong ko sa sarili habang naglalakad, palingun-lingon sa paligid. Kapag nakita ko siya, aayain ko na lang siya kumain since nagugutom na naman na ulit ako. "Lucy..."

Halos nilibot ko na lahat ng classroom na pwedeng pagtambayan, kahit nga yung rooftop ng building pinuntahan ko na rin pero walang sign ni Lucy. Sa field, wala rin. Puro mga sporty human being ang mga nakita ko. Sa payat ng babaeng 'yon baka nga hindi umabot sa malayo yung bolang ihahagis niya.

Lucy, tinataguan mo ba ako?

Tataguan? I groan inwardly. Mukha ngang wala siyang pakialam sa akin, eh. Sasadyain niya ba akong pagtaguan? Ang ilap-ilap naman ng future best friend ko. Kaunting-kaunti na lang susuko na ako!

Pero siyempre joke lang.

Ngingiti-ngiti pa rin akong naghahanap. Think positive lang, East! Para saan pa't magiging kaibigan mo rin iyon.

Bakit nga ba kating-kati akong kaibiganin siya? May naf-feel lang talaga akong maganda sa kanya. May pakiramdam akong hindi niya pa pinapakita yung totoong Lucy. Pero sure akong mabait siya. Mabait naman lahat ng tao, depende naman 'yon sa perspective ng bawat nilalang.

"Spotted!" Ipinorma kong parang telescope yung kamay ko at doon sumilip. Napahagikhik ako habang pinapanood si Lucy na mahinang nags-swing. "Nandito ka lang pala sa playground, ha."

Ewan ko rin kung bakit may playground dito sa school. Hindi naman kami elementary.

Dahan-dahan akong lumipat. Ingat na ingat na huwag gumawa ng tunog para hindi niya malamang nasa likuran niya ako. Tinakpan ko yung mata niya at natigilan naman siya. Nilapit ko ang bibig ko sa tainga niya. "Hulaan mo kung sino 'to."

In fairness, ang haba ng pilikmata niya, ha. Nakikiliti yung palad ko. Cute!

Hindi siya agad sumagot. Pinilit kong huwag sumimangot sa thought na baka hindi niya ako kilala. But that's impossible! We're classmates for more than a week na and I already claimed her as my friend kahit na hindi pa siya aware so it's impossible for her not to know me. Ako kaya si East Hansen, ang pinaka-friendly na nilalang ng section Machiavelli!

"Uy, hulaan mo kung sino 'to," pag-uulit ko sa medyo naiinip na tono, "bilis!"

Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko. Hindi siya soft pero ang warm. Ang comfy sa feeling. Hindi ko maiwasang mapangiti. Parang may nagrarambulan sa loob ng tiyan ko. Weird.

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now