Chapter 24

9K 560 72
                                    

I decided to leave the room first pagkatapos ng mga nalaman ko. Dina-digest pa kasi ng utak ko yung mga information na nalaman ko. Isa pa, tingin ko kailangan din ng magulang at...kapatid ni Lucy, na maiwan sila sa loob. They're the family, I'm just a friend. Siguro gusto rin nilang masolo ang anak.

Nakaupo lang ako rito sa waiting chair ilang dipa ang layo mula sa pintuan ng room ni Lucy. Wala akong magawa kaya panay lang ang pagtitig ko sa buong lugar. Napatitig ako sa linoleum na sahig na mukhang bagong polish lang pero hindi nakaligtas sa paningin ko yung ilang gasgas na nandoon. Hindi naman pangit tingnan and I think that's natural naman. Sa dami ba naman ng tanong nagpupunta ng hospital, eh.

Saka ko lang din napansin yung mga commercial prints sa bawat wall. Siguro ginawa iyon para hindi magmukhang gloomy ang isang hospital at ma-boost pa rin yung mood ng mga taong nandito. Ang pangit siguro kung purong puti lang ang lugar.

Napatitig ako sa dumaan na nurse. Pumasok siya sa katabing kwarto. Mukha pa rin silang blooming. Ang alam ko minsan wala silang tulog sa kaka-duty nila. Ang hirap siguro maging katulad nila. Parang gusto ko na rin tuloy maging nurse. Pero gusto ko rin maging teacher.

Pwede kayang both?

"Bakit lumabas ka?"

I look at Via. Umupo siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ng sariling katawan kaya pinili ko na lang na huwag kumibo. "Wala lang."

Nag-creak yung upuan. Natigilan ako nang akbayan niya ako. I heard her chuckling. "Relax, akbay lang 'yan."

"Okay." I sigh.

Pumailanlang ang katahimikan sa pagitan namin. Gusto ko sanang magtanong pero hindi ko naman alam kung paano sisimulan. Gusto kong itanong kung bakit hindi sila nagsabi sa pagiging sisters nila, bakit umaasta silang hindi magkakilala, pero walang lumalabas ni isang salita sa bibig ko.

"Alam kong gusto mong magtanong." Hindi pa rin ako kumibo. Nakaka-bother pa rin na para bang kilalang-kilala niya ako sa way ng pagsasalita niya. "Gusto mo sabihin ko sa'yo?"

Tumango ako.

"Kiss muna." Sagot niya na nagpanganga sa akin. I stare at her and catch her smirking. Natawa siya at napailing. "Biro lang. I can't kiss you...yet."

Hindi ako nakasagot. Ayoko namang ma-offend siya kapag sinabi kong walang mangyayaring kiss. Kay Lucy ko lang ibibigay lahat ng kisses ko. I want Lucy to be my first in everything. Sorry, Via.

Pumunta siya sa harapan ko. Nag-indian sit siya sa paanan ko. Napatingin tuloy ako sa magkabilang side ko dahil baka masita siya. Itatayo ko sana si Via but she just shakes her head.

"Technically, ate ko si Lucy but I don't want to address her like that." She lean her arms on my knees. Nakatingin lang ako sa kanya. "I don't like her."

"Mabait naman si Lucy." I almost whisper.

"I know. But still, I don't like her." Nakangiti niyang sinabi iyon, it's like she doesn't want me to see something unpleasant in her eyes. "I hate the fact na may naunang pamilya si Mama at hindi kami ni Papa iyon. Well, technically, kami ang first. "

Ano raw? Kumunot ang noo ko. Medyo na-slow ako sa sinabi niya, eh.

She raises a brow. "Hindi mo alam, tama?" Tumango ako. "Yung tatay ni Lucy? Naging kabit 'yon." Pagkasabi niya no'n ay bigla siyang natawa. "Akala ko talaga babae lang ang kumakabit. Biruin mong lalaki rin pala?"

"Ang akala ko..."

"I don't know the whole story. Pero ang alam ko, six months after ikasal si Mama at Papa, bigla na lang umalis si Mama para sumama sa best friend niya, which is si Lucio." Simula niya. "Ang kwento sa akin, pregnant na si Mama no'n kay Lucy. Nagsama sila ni Lucio ng tatlong taon mahigit pero kinalaunan, bumalik din siya kay Papa. Ipinanganak ako after almost two years."

Naghari ang katahimikan sa pagitan namin matapos niyang magkwento. I actually don't know what to say. Somehow, may pagkakaparehas kami ng sitwasyon. Ang lagay lang, Dad cheated during his married years with Mama. Babaero pa yata sa babaero iyon. Pero ngayon ay nag-settle na lang siya sa isang babae...hindi nga lang kay Mama.

"Lucy's already sick when I first met her. Tumira siya sa amin bago at pagkatapos niyang magpa-chemo. I don't like her but I can't just be mean to her, hindi ako mapanakit. So I decided to ignore her na lang. I think mutual understanding na iyon sa pagitan namin kaya kahit na sa iisang school lang kami nag-aaral, we still act like we don't know each other at all."

Napatango. Una pa lang, pansin ko nang hindi gusto ni Lucy ang Mama nila. Maybe that's the reason. Hindi ko rin naman masisisi si Via kung ayaw niya sa kapatid niya. Sino ba namang tao ang gugustuhing malaman na hindi lahat ng family ay perfect and pure? I will honestly think that there is none.

Dreaming for a perfect and less complicated kind of family is too ambitious, I think. Even dreaming for a perfect life itself is ambitious. Maybe there are few who are lucky enough to have one. Napangiti ako ng mapait sa loob-loob ko. Everybody have secrets to tell.

"Thinking about you makes me want to wish na sana ako na lang si Lucy." She stands up on her knees. Inilapit niya ang mukha sa akin. She smiles. "I've been dreaming to be this close to you for a very long time. Pero bakit, East? Bakit si Lucy pa?"

Hindi ako makasagot. Hindi ko rin naman alam kung bakit. Hindi ko rin alam kung kailangan pa ba ng reason o kung bakit kailangan pa ng reason. Kusa ko na lang nagustuhan si Lucy, I can't just give any reasons why.

"I've been competing with her since then. Funny, nakikipagkumpetensiya ako kahit nakahihigit ako sa kanya." The bitterness in her voice is so obvious. She holds my hand and give it a tight squeeze. She looks miserable up close with her glassy eyes and trembling lips, it's like she's trying really hard not to cry. "Why do I still have to compete with her just to have...you?"

I decided not to answer. Yumuko na siya. Siguro ayaw niyang makita ko siyang mahina kahit na nagmumukha na siyang vulnerable dahil sa mga sinasabi. I feel bad for her...but I can't do anything.

"Hindi ko pwedeng hilingin na mawala na lang si Lucy, 'di ba?" Tumayo siya at mabilis na tumalikod. "Because that will makes you sad at ayoko no'n."

Naglakad siya paalis nang wala siyang makuhang sagot mula sa akin. Napasandal na lang ako sa kinauupuan at napahinga nang malalim. I badly want to say sorry but I don't want to hurt her more by apologizing. Magmumukha akong insensitive. I can't just say sorry dahil lang sa gusto niya ako. Hindi ko kayang mag-sorry dahil hindi ko kayang suklian yung feelings niya.

Napatitig ako sa kamay ko na kanina lang ay hawak ni Via. Her hand is warm, too, like Lucy's. Napapikit ako.

Maybe we are really ambitious...for trying to have something or someone...

...that's hard to get.

_____

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now