"T-tito, si Lucy po?" Halos habol ko pa ang hininga nang makarating sa hospital room kasama si Via. Kaagad akong napatingin sa taong nakahiga sa hospital bed. Si Lucy. Nakapikit ang mga mata nito. Natutulog. Ang sikip pa rin sa dibdib na makita siyang nandito na naman sa lugar na 'to. Mahirap i-deny sa mga sarili namin na may sakit siya at kailangan na niyang magamot.
Via pats my shoulder after greeting Tito and hugging her Mom who's here as well. Tipid na nginitian ko lang siya na sinagot naman niya ng isang nakakaintinding pagtango.
Una pa lang may kutob na akong may nangyaring hindi maganda nang hindi pumasok si Lucy kanina. I tried calling her but no one's answering the phone only to receive a call from Tito that she was just admitted in the hospital nga. Papasok na raw ito nang bigla na lang itong mawalan ng malay.
May teacher is very kind to excuse me and Via from the class kaya kaagad din kaming nakahabol dito. Via keeps on gripping my hand tight as a support at na-a-appreciate ko iyon kahit na hindi nababawasan yung kaba at takot na nararamdaman ko.
"K-kanina pa ho ba siya walang malay?" Ako na ang nagsara ng pinto bago pumasok sa loob ng kwarto. Naupo naman si Via sa bakanteng upuan na katabi ng mama niya. I went closer to Lucy and feels my heart breaks after seeing all the apparatus that's all over her. Kung pwede lang mailipat ang sakit baka ginawa ko na. I hate seeing her like this.
She's okay these past few days. Kapansin-pansin yung pamamayat at pamumutla niya but she's doing fine. Or maybe she's trying hard to be one. Hinahayaan ko lang din kasi siyang gawin ang gusto dahil siya na rin ang may sabi na ayaw na niyang magka-limit sa mga bagay-bagay. Of course I won't let her do extreme things pero lagi kong sinisigurado na sa lahat ng oras ay kasama niya ako.
Iyon lang naman ang magagawa ko bilang girlfriend at kaibigan niya. The rest will be done by her family.
"Nagising siya kanina pero saglit lang dahil nakatulog ulit." Sagot ni Tito, "Epekto ng gamot."
"Kamusta na raw bang lagay niya?"
"Kailangan pa raw siyang i-examine sabi ng doctor." This time ay ang Mama naman ni Via ang sumagot. Saka ko lang napansin ang pamumugto ng mata niya. "All we can do is wait."
Napatango na lang ako at naglakad palapit kay Lucy. I kiss her forehead gently and stares at her. I'd like her to rest more pero ngayon pa lang ay gusto ko nang magmulat siya ng makita para lang ma-assure na ayos siya. Nakakatakot kasi yung ganito na tulog siya.
Inilapit ko ang labi sa tainga niya. "Wake up already, Lucy."
Ang dami kong gustong sabihin sa kanya pero pakiramdam ko sobrang rumbled ng thoughts ko. Ang gusto ko lang ay maging okay siya. Gusto ko lang na makaalis na siya rito dahil magaling na siya at hindi na kailangan pang bumalik.
I just want the best for her.
--
Umalis muna sina Tito dahil walang magbabantay sa mga kapatid ni Lucy samantalang si Tita naman ay kukuha lang daw ng mga gamit at kaagad din namang babalik dito. Kasama niya si Via who whispers to me na need daw namin ng alone time ni Lucy.
Sobrang bait talaga niya kahit na dinadaan niya sa biro ang ilang mga bagay. I can see that she's not giving up yet pero it's a little confusing kapag para bang okay lang sa kanya yung sa amin ni Lucy. Minsan napapaisip ako na siguro may pakialam naman talaga siya sa kapatid at nagiging soft na siya pero hindi lang masyadong pinapahalata.
"East," Lucy calls softly. Her voice sounds so weak. I look at her and gives her a gentle smile, waiting for what she'll say next. Marahan ko ring hinaplos ang buhok niya. I hear her sigh. "I...hate this body."
"Hm, bakit naman?"
"Kasi mahina itong katawan ko. Kasi gumaling naman na ako dati pero bumalik pa rin itong sakit ko." Inabot niya ang kamay ko at hinawakan ito. She grips it as tight as she can pero hindi ko maramdaman yung strength. Siguro dahil nanghihina pa siya ngayon. "I don't really feel good, East. It hurts...everywhere."
I choose not to say anything and kisses her lips instead. I did it softly and as gentle as I can. Sunod ko namang kinintalan ng halik ang noo niya, pababa sa mata, at sa magkabilang pisngi niya. Huli kong kinintalan ang tuktok ng ulo niya.
"Kung pwede lang akuin 'yang sakit mo, matagal ko nang ginawa, Lucy." I tell her honestly, "Pero tandaan mo, kahit anong mangyari, nandito lang ako. Dadamayan kita sa lahat ng pagdadaanan mo."
It hurts whenever I see her in pain. Masakit sa puso.
"Mahal talaga kita, eh." Sinundan ko iyon ng pagak na tawa. Ganito pala talaga kapag mahal na mahal mo yung tao, kusa ka na lang magma-mature kasi hinihingi ng pagkakataon. "Hindi kita iiwan."
"Even if I grow ugly and hairless?" Napangiti siya nang tumango ako. "Kahit mag-amoy gamot ako?"
"Oo naman!" I chuckle. "Kahit maging perfume mo ang gamot, keri! Love kita, eh."
"I love you, too, East, so much." She answers and kisses my hand. Ngumiti siya ng matamis sa akin kaya pati ako nahawa na rin. Cutie niya kasi, eh. Walang pinagbago. "Ayoko na maging selfish."
Napakunot ang noo ko sa huling sinabi niya. Bumuntong-hininga siya.
"Hindi ko na hihintayin ang birthday ko. Gusto pa kitang makasama ng matagal, East, kayong lahat. I'm still scared pero mas natatakot ako na mahuli ang lahat. Ayoko nang magpakaduwag."
"Ibig sabihin..." Napamaang ako. "Magpapa-chemo ka na ulit?"
Mabagal siyang tumango. Ilang minuto pa bago nag-sink in sa akin ang naging sagot niya. Ibig sabihin, ito na talaga. Magpapagamot na siya talaga. Wala akong makapang salita na dapat ibigay. Nayakap ko na lang si Lucy at paulit-ulit na hinalikan ang noo niya. Masaya ako na kinakabahan. Pero wala, eh. Take risk talaga.
Kung ano man ang mangyari, think positive lang. Gagaling si Lucy. It may take months or years before she gets well completely pero sure ako, lalaban siya, kaming lahat na nakasuporta sa kanya.
"Lucy, Lucy, let's be brave, okay? I'll just be here no matter what. I'll take care of you, always." I give a smile.
She nods her head, not saying anything. Pero alam kong napalakas ko ang loob niya base sa expression niya.
Suddenly, I realize what I want to be in the future...
End
_____
Next to read in the series: Jonah Complex
YOU ARE READING
Besotted (GL) [HSS #2, Completed]
Teen Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 2 || East Date started: July 16, 2017 Date completed: October 3, 2018 ** East Hansen is a bubbly and optimistic girl inside and out. She believes that she should not waste time being involved in drama...