Happy birthday, happy birthday...happy birthday!
Today is Ate South's twentieth birthday! So far ay puro good thing naman ang nangyayari. As in! Sobrang saya ko dahil una sa lahat ay invited si Dad, which we didn't expect since kalagitnaan na rin siya ng party dumating. Kasama nito ang asawang si Tita Antoinette, ang anak na si Mary Jane, and our very new baby brother Miko.
Baby Miko is so cute! Kung sabagay, we, Hansens, are bounded to be cute talaga. He looks like an apple because his cheeks are kinda red pero in a mestizo way.
At isa pang reason kung bakit masaya ako ay dahil bukod sa kumpleto kami ng pamilya ko ay kasama ko rin si Lucy to witness this greatness. This bond. Finally, after years ng pagiging watak-watak ay magkakasama na kami ulit. Wala na yata akong mahihiling pa sa mga oras na ito.
Ayaw ni Ate South na nagce-celebrate ng birthday niya kahit noon pa man. Hindi counted yung birthday celebration noong mga bata pa kami. Hindi ko alam kung anong meron pero sobrang saya ko talaga, pakiramdam ko ako ang may birthday. My soul is so satisfied.
Sana ganito lagi ka-lively.
Simple lang naman ang handaan na meron na ginaganap dito sa front lawn namin. There are foods everywhere, may mga lights din sa paligid na nakasabit sa bulaklak at halaman at sa mga tables para magmukhang cutie ang humble abode namin. Para ngang pasko, eh. The atmosphere is being accompanied by serene background music.
Napatingin ako sa maaliwalas na langit. There are few stars scattered in the beautiful darkness. Everything is so tranquil and lovely, it makes me want to stop the time and capture this moment. With that, I fish out my phone from my pocket. Kinunan ko ng litrato ang kabuoan ng lugar. I stared at the sky at kinunan din ito ng picture. I sigh after, feeling contented.
"Ang sarap talaga ng luto ng ate mo, East. And masarap din yung Graham balls mo."
Natawa ako kay Lucy. Halos hindi na kasi siya matigil sa pagkain. Lahat kasi ng putahe ay si Ate North ang nagluto pero siyempre ay tumulong din kami. Ako ang gumawa ng specialty kong Graham balls and other sweets. Ang fulfilling nilang tingnan knowing na nagustuhan ng lahat iyong mga hinanda namin.
Intimate gathering lang naman ang meron ngayon, tanging ang pamilya namin at ilang malalapit na kaibigan ang nandito. We maybe small in numbers but that doesn't make it less special. In fairness, na-realize ko na friendly din naman pala si Ate South. May mga na-invite siya, eh. Napatawa na lang ako sa pagiging hard ko sa kanya. Of course she will still have friends.
"Hindi mo na nagalaw yung pagkain mo." Puna ni Lucy sa paper plate kong halos kaunti pa lang ang bawas na laman.
Napangiti ako sa kanya. "Mas nag-e-enjoy din kasi akong panoorin sila."
"Kung sabagay."
Tumingin din siya kina Ate North at Dad na nagkukuwentuhan. Halos lahat ay may kanya-kanyang circle of groups pero ang nakapagtataka ay missing in action ang mismong celebrant at si...Jadey.
Oh, my gosh.
At saan naman kaya sila nagtatago ngayon?
"Lucy, Lucy," Tawag ko sa kanya na may kasama pang pangangalabit. "Lucy!"
"Naririnig kita," She answers while she's shaking her head. "Bakit po ba, East?" She asks, treating me like a kid. Hindi ko na lang inintindi.
"We've got a mission!"
Her eyebrows furrow. "May balak ka na namang kung ano, 'no?"
"He-he," I laugh comically. "Hanapin natin si Ate South at Jade."
YOU ARE READING
Besotted (GL) [HSS #2, Completed]
Teen Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 2 || East Date started: July 16, 2017 Date completed: October 3, 2018 ** East Hansen is a bubbly and optimistic girl inside and out. She believes that she should not waste time being involved in drama...