Chapter 23

10.1K 586 37
                                    

"M-ma'am? Pwede na po ba akong maunang umuwi?"

Sinadya kong tapusin ng mabilis yung last na exam namin which is the values education para lang makapagpaalam talaga. Napansin ko yung ilan sa mga kaklase ko napapatingin sa gawi namin. Nagtataka siguro sila kung anong meron at talagang lumapit pa ako sa teacher dala-dala ang test paper and answer sheet ko.

Tumingin sa akin yung guro ko. She looks like she's analyzing me sa paraan ng tingin na meron siya. Ganoon na rin tuloy ang ginawa ko. Ma'am Advicente, our teacher, still looks young at the age of thirty-nine. She wears a black-rimmed eyeglass that complimented her small, heart-shaped face and a shoulder-length black hair. Halos hindi tumatanda ang itsura despite being married.

Aside from being our adviser ay master teacher na rin siya and I think she really deserves that since magaling naman talaga siyang magturo and she knows very well how to handle students like us. Maybe because she's been teaching for years, huli na niya lahat ng ugali ng mga taong nakakasalamuha niya. Alam na niya rin kung anong klaseng technique ang effective na gamitin during discussion and sa bawat activities na pinapagawa niya.

Bigla ko tuloy naalala si Ate North. Magaling din kasi siyang magturo. I experienced it firsthand kapag may pagkakataong tinuturuan niya ako.

Ma'am Advicente nods afterwards. "Alright. It's because of Gamboa, I assume?"

Napatango ako. Maybe I'm that obvious. Kanina pa kasi talaga akong hindi mapakali pero pinipilit ko lang yung sarili ko na huwag mag-isip masyado dahil kailangan kong mag-concentration sa mga test. Lucy didn't attend school today and that's what makes me worried and anxious. Tama talaga ako, malaki ang chance na nagkasakit siya.

This is my fault. I am not ready enough to protect her. Hindi ko man lang naisip na posibleng umulan dahil sa lagay ng panahon nitong mga nakaraang araw. Ni hindi ko man lang din nabantayan yung kalagayan niya. Masama na yung pakiramdam niya kahapon pero wala man lang akong nagawang matino but to take her home.

She gives me an understanding look. "You may go home."

"Thank you po, Ma'am." Nginitian ko siya and she does the same.

"Also, tell Gamboa na she can take the exam kapag nakapasok na siya."

Tumango ako ng ilang beses bago umalis sa harapan niya. Bumalik ako sa puwesto ko para kunin ang gamit ko. Napatingin ako sa bakanteng upuan ni Lucy. Pasimple akong napabuntong-hininga. Hindi bale, mas importante yung health niya kaysa sa exam. Makakapag-take pa rin naman siya, eh.

Habang paalis ako ay napalingon ako sa gawi ng kambal ko. She's looking intently at me. I give her an apologetic look pero tumango lang siya and mouthed it's okay. Napangiti naman ako bago tuluyang lumabas ng classrom. Mabuti na lang talaga mabait si West, palagi niya akong iniintindi. Hay...what am I gonna do without her?

Triple na yata ang bilis ko sa paglalakad makarating lang sa paradahan ng tricycle. Sumasabay sa bilis ng galaw ko yung tibok ng puso ko. Kinakabahan ako na natatakot na nag-aalala. Sa sobrang mixed ng emotions ko pakiramdam ko masusuka ako. Napalunok ako at pinilit na mag-relax. I need to think positive. Everything's going to be alright. Naniniwala ako sa strength niya.

Everything becomes a blur. Namalayan ko na lang yung sarili ko na nasa tapat na ng pintuan ng bahay nila. Ni hindi ko sure kung nagbayad ba ako sa driver although tingin ko naman nagbayad ako kasi walang kumuyog sa akin. Buong oras na si Lucy lang kasi ang nasa isip ko. Para akong baliw.

Ilang beses akong kumatok. Dinikit ko pa yung tainga ko sa pinto. Para kasing masyadong tahimik. Kumatok pa ulit ako.

"Sino po sila?" Boses iyon ni Lauren.

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now