Chapter 39

9.7K 520 22
                                    

Ang ganda ng gising ko. Ang weird sa pakiramdam na pagdilat ko pa lang ay napapangiti na ako. Mapagkakamalan akong baliw nito for sure. Kasi naman, eh. Hanggang ngayon may hang-over pa rin ako sa pagsagot sa akin ni Lucy. Hindi pa rin ako makapaniwala...dalaga na ako!

"Mukhang gutom ka." Napalingon ako kay West nang sabihin niya iyon. Kakalabas niya lang ng banyo. Nakabalot ang puting tuwalya sa katawan nito habang pinupunasan naman niya ang buhok. "Pangiti-ngiti ka, eh. Hunger deprivation 'yan."

"Hindi, ah." Tanggi ko. Grabe conclusion ng kambal ko, wagas! Hindi naman kami pinapabayaan ni Ate North, bantay sarado kami ro'n pagdating sa pagkain araw-araw.

"Edi sign of kabaliwan?" She teases some more. Napanguso na lang ako at hindi na siya pinansin. Walang kibo itong nagbihis na lang.

Bumangon na lang din ako since nakaramdam na rin naman ako gutom. Nag-decide na rin akong maligo na, kahiya much kay Westy na ayos na ayos na kaagad, akala mo may lakad.

--

"May blooming, oh." Bungad agad sa akin ni Jadey nang makarating ako sa kusina slash dining room. Katabi niya si Ate South na tahimik lang na ginagamit ang cellphone. Magkatapatan naman ng puwesto si Ate North at Westy, parehas nakatingin sa akin. "Naks namern."

Natawa na lang ako sa kanya. Para kasing mas masaya pa siya sa mga kapatid ko, eh. Mukha siyang excited na kinikilig, akala mo teenager.

Naupo ako sa pwesto ko. Inabutan naman ako ni Ate North ng mainit na chocolate drink. My mouth waters because of Pancit Canton. Hay...heaven! Sumubo muna ako bago ulit balikan ng tingin itong girlfriend ni Ate South. "Mas bata ka pa yata sa akin, eh."

Tinaasan niya ako ng kilay at umiling-iling. "Porke may love life, feeling old na."

"Grabe!"

"Kayong dalawa, kumain na lang kayo." Pag-awat sa amin ni Ate North. Wala kaming nagawa kung hindi sumunod. Ang serious niya kasi, eh.

"Opo, Hilaga." The latter glares at Jadey.

Ang cute talaga ng mag-best friend na 'to. Kung hindi ko lang alam na patay na patay si Jadey kay Ate South ko, iisipin kong sila ang mag-dyowa. Pero parang hindi rin. Yung closeness naman kasi nila, pang-best friend talaga. Maliban na lang kung malisyosa makakakita. Natawa tuloy ako.

"East, kain lang, later na kilig." Humirit na naman si Jadey. Wala talagang paawat, eh. Natawa ako ng mahina at binelatan siya. Pinanlisikan naman siya ni Ate North ng mata. "Sabi ko nga, eh, hindi na ako mang-aasar."

Napangiti na lang si Ate kasi parang masunuring bata yung isa na nanahimik na nga lang, sumiksik pa kay Ate South na para bang nagsusumbong. Dedma lang naman yung isa, pero hindi nakaligtas sa matalinaw kong paningin ang palihim na ngiti ng kapatid ko sa inaasta ng girlfriend niya. Ay, ha. Harot!

Mukha akong sirang nangiti habang tahimik na nakain. Mas kinilig pa yata ako sa kanila kaysa sa sarili kong love life. At siyempre, joke lang iyon! Mas kilig to the max ako kasi akin na si Lucy, for real!

Pagkatapos kumain ay tumambay na lang ako sa living room. I check my phone when it vibrated at ganoon na lang kalaki ang ngiti ko nang makitang may text si Lucy. Naks, yayamanin, marunong na mag-load! I giggle to myself while reading her text which is just a simple good morning with a smiling emoji. Grabe, eh. Napakahaba.

Wala nang patumpik-tumpik pang tinawagan ko siya. Ilang ring lang ay sinagot din naman niya agad ito. "Hello."

"Lucy, Lucy." I excitedly calls her. I can hear her cute chuckle from the other line. Boses pa lang niya, nakaka-full energy na. Hay...gusto ko tuloy siya makita.

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now