Chapter 11

10.8K 685 38
                                    

"Bakit hindi ka pa naalis?"

I smile at her sheepishly before linking my arms with her. "Hindi ba sabi ko kanina, sama ako hanggang sa inyo?"

Automatic naman nagsalubong ang kilay niya at inalis ang braso ko. Tumalikod siya sa akin at tuluy-tuloy na naglakad paalis, ako naman itong si habol sa kanya. Routine ko na yatang habul-habulin siya, eh. "Lucy! Hey!"

Maagap ko siyang naabutan at sinabayan sa paglalakad. She tries to walk faster but, nah, hindi niya ako matatakasan.

"Huwag mo nga akong sundan." Mahina ngunit may diin niyang saad.

I pout. "Sama na kasi ako."

"Anong gagawin mo sa bahay namin?"

"Uhm, ewan?"

"Hindi ako pumapayag."

"But Lucy—"

"No." Huminto siya at tinititigan ako na akala mo'y nanay siya na dapat kong sundin. "East, ano bang mapapala mo kung—hey!" I hear her gasp after pulling her for a hug. "East."

"I just want to know you better and the people around you," sagot ko. Ewan ko pero bigla-bigla na lang ang pagbilis ng kabog ng dibdib ko sa mga sinabi, kasabay nang awareness na sobrang lapit niya lang sa akin. "Makapag-thank you man lang ako kasi pinalaki ka nilang mabait kahit masungit ka kung minsan."

"Para kang matanda kung magsalita." She answers instead. I can feel her hands on my back, responding to my embrace. My heartbeat races faster, hindi ko tuloy alam kung sa akin lang ba iyon o pati sa kanya. "Baka nakakalimutan mong mas matanda ako sa'yo."

Napahagikhik ako. Oo nga pala. Kasi naman, laging pumapasok sa isip ko na I need and I should protect her. I can't see myself as a kid anymore even though I act like one.

Binitawan ko na siya. I kiss her temple before holding her hand. I smile at her, yung ngiti na kita halos lahat ng ngipin. Napatawa tuloy siya at napailing. Wala nang habulang naganap, wala nang pilitan, walang pangungulit...sabay kaming naglakad sa isang direksyon habang magkahawak ang mga kamay.

Holding her hand is now my favorite hobby.

--

Maingay at maraming tao, ilan lang iyon sa napansin ko pagkababa namin ng tricycle. Akala ko nilalakad niya lang ang pauwi, ayon pala sa may paradahan ng tricycle ang diretso niya kaya magkaiba kami ng daanan.

Pinagmasdan ko yung mga bahay na halos magkakatabi na. Medyo nanibago ako, nasanay kasi ako na magkakalayo ang bahay sa amin. Pero mukhang masaya rito. Ang daming batang naglalaro kaya hindi ko maiwasang mapangiti.

"Saan bahay niyo?" Bulong ko kay Lucy habang patuloy lang sa paglalakad. Hindi ko ma-gets kung bakit pinagtitinginan ako ng mga tao...lalo na ng mga lalaki. Ang awkward na ewan.

"Malapit na." sagot niya. Medyo nagulat pa ako nang mas inilapit pa niya ako sa kanya. "Huwag mong pansinin mga natingin sa'yo lalo na sa mga lalaki. Maraming loko rito."

Tumango lang ako.

Hindi rin nagtagal ay huminto kami sa isang two storey house. Sementado iyon at gawa sa yero ang bubungan. Medyo may sira na rin ang pinto pero mukhang maayos pa naman.

"Pa?" Kumatok siya ng ilang beses. Ilang segundo lang din ay bumukas ang pinto at tumambad sa paningin ko ang isang lalaki. May itsura siya pero halata rito ang mabilis na pagtanda. But then, he still looks happy and contented.

Niluwangan ng lalaki ang awing ng pinto at pinapasok kami pagkatapos magmano ni Lucy. Sumalubong naman sa amin ang dalawang maliliit na bulilit.

"Ate Lucy!"

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now