Napangiwi na lang ako nang alalayan ako ni Via nang muntik na akong matapilok. Napatingin ako sa kanya. Nakangiti lang siya na parang wala lang ang ginawa.
"Thank you, Via."
"Welcome, East."
Unconsciously akong napalingon kay Lucy. Nakataas yung kilay niya, halatang hindi nagustuhan yung nangyari. I can't see the expression her lips are making dahil nakasuot siya ng face mask. Pero hula ko hindi iyon nakangiti.
Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang mailabas na sa hospital si Lucy. Sabi ng Doctor nagkaroon na siya ng complication sa lungs dahil sa sakit niya. Isa raw iyon sa mga karaniwang komplikasyon na nakukuha ng taong may Leukemia. Kadalasan daw ay kidney talaga ang tinatamaang organ lalo na kung nag-undergo ng chemotherapy. Siyempre, matadtad ba naman ng gamot.
Hindi pa naman malala ang lung problem ni Lucy, pero kailangan pa rin niyang magdoble ingat lalo na't mabilis lang siyang ma-infect. Kung ako lang ang masusunod, gusto ko na agad maipagamot si Lucy sa lalong madaling panahon. Mabuti nang mas maaga kaysa naman mahuli na lahat. But I can't just do that.
I know...she's scared.
Alam ko naman na kahit sinabi niyang magpapagaling siya, meron pa rin siyang doubt. I know she doesn't want to experience that same pain over and over again. I don't know if our support is enough for her.
"Ganyan ka makatingin, Gamboa?"
I come back in reality when I heard Via's questioning voice. Para akong nakakakita ng line ng kuryente dahil sa titigan nila. Bakit ang tataray nilang tingnan?
"May problema ba, Ortiz?" Mahina ngunit monotone na pagkakatanong niya. She even emphasizes Via's surname.
"Nag-aaway ba kayo?" Nag-aalangan kong tanong. Ngumiti ako sa kanila at nag-peace sign. Ang sama nila makatitig!
"Mukha ba kaming nag-aaway?" Sabay nilang tanong.
Napanguso ako. "Sabi ko nga hindi, eh. Magkapatid talaga kayo."
"Ano?"
"W-wala."
Ang high blood naman nila. Ayoko na nga makisingit sa kanila! Umungos ako. Bad!
Kanina pa yata mainit ang dugo nila sa isa't isa simula nang makarating sa school. Ngayong lunch break, ewan ko na lang kung anong mangyayari. Si Via kasi, eh, talagang sumunod pa sa aming dalawa.
"Ano, Via, where's your friends ba?" Tanong ko na lang. Baka kasi isipin niya na ayaw ko siyang pansinin. Ayoko namang ma-out of place siya sa amin. At saka, para iwas awkwardness na rin.
"I left them." She answers na parang wala lang sa kanya ang ginawa. "I want to be with you."
Lucy fakes a cough. Alam kong hindi totoo iyon dahil literal na ehem ang ginawa niya.
"Oh, Gamboa, still sick?" Via asks mockingly, "Uwi na. Ako nang bahala kay East. She's safe with me naman, eh."
"I don't think so." Nagkibit ng balikat si Lucy at hinawakan ako sa kamay. She even intertwine our fingers together. "Halika na, may nakita akong upuan na good for two."
"Hey, I'm here, too!" Ungot ni Via. Nilingon ko siya at napansin na hindi bumababa ang tingin niya sa kamay namin ni Lucy. I think iniiwasan niya lang din mapatingin.
"I mean good for three pala. Hindi kasi kita napansin, Ortiz. Sorry."
"Whatever, Gamboa."
Nagt-transform talaga silang magkapatid. Scary na ang cutie pa rin. Hay. Tingin ko magiging close sila kung sakaling matanggap nila ang isa't isa. Pero tingin ko ayos na rin yung ganito, kaysa naman sa hindi sila nagpapansinan.
YOU ARE READING
Besotted (GL) [HSS #2, Completed]
Teen Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 2 || East Date started: July 16, 2017 Date completed: October 3, 2018 ** East Hansen is a bubbly and optimistic girl inside and out. She believes that she should not waste time being involved in drama...