Chapter 35

9.4K 612 61
                                    

"Hi."

"Hello." Maikling bati ko na sinabayan ko pa ng ngiti.

"Nasa kwarto lang si Gamboa kasama ng mga kapatid niya." Pansin kong ang lungkot ng ngiti niya. "Hindi naman ako ang pinunta mo, alam ko."

"Via—"

"Sige na," She cuts me off before smiling. How can she do that genuinely? I think smiling even though it hurts is a talent. Ganoon din ako, eh. Kaya siguro ganito na lang ang pagtataka ko sa ngiti niya. "Puntahan mo na."

"O-okay." Medyo undecided pa tuloy ako kahit pinapaalis niya na ako. Dahan-dahan ko siyang tinalikuran at naglakad.

"East."

Huminto ako at nilingon siya. She's looking at me with gentle eyes coated with determination. Naglakad siya palapit at marahan akong hinawakan sa pisngi. "I don't feel sorry for kissing you that night."

Kumunot lang ang noo ko. Why mention it now? Tinanguhan niya lang ako at tinapik sa balikat. Pagkatapos no'n iniwan na lang niya akong nakatayo rito mag-isa.

Maybe she's just being random today.

Kusang nagbalik sa alaala ko yung sinabi niya.

"Malapit na mag-ten. Iuuwi na kita sa amin." Natigilan ako sa sinabi ni Via. Ano raw? Nginisihan niya ako nang mapansin yung confusion sa mukha ko. "I mean, iuuwi na kita sa inyo."

Napatango na lang ako at hindi nagkomento pa. Medyo sanay na rin naman ako na kung minsan weird yung humor niya. Imbes na matawa kasi ay naguguluhan lang ako.

Tatayo na sana ako nang bigla niyang iharang ang kamay sa gilid ko. Mas isinandal niya pa ako sa sofa.

"I'm sorry for not being sorry but I really want to do this."

"Huh?"

Imbes na sumagot ay inilapit niya ang mukha at saka ako hinalikan!

Wala pang dalawang segundo ay naitulak ko na agad siya palayo. Mabuti na lang at hindi napalakas ang ginawa ko or else talsik talaga siya. Out of instinct ay naipunas ko ang likod ng palad sa labi ko. Nanlalaki ang matang nakatingin lang ako sa kaya.

"Ang sakit naman sa feelings. Manulak talaga?" She tries to add humor in her words but failed to do so. What she did is a serious thing.

"Bakit kasi nangki-kiss ka diyan bigla?" Hindi ko maiwasang itanong. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang.

Pumayag naman ako sa date pero hindi naman ibig sabihin no'n pwede na siyang humalik.

Nagkibit siya ng balikat. "Alis na tayo."

Napakamot na lang ako sa ulo nang iniba niya ang usapan. Labag man sa loob ay tumango na lang ako at sumunod sa kanya palabas ng condo. Nang makarating kami sa scooter niya ay kaagad na siyang sumakay at ganoon din ako.

"East."

Napatigil ako sa akmang pagsusuot ng helmet. "Bakit?"

"That's my first kiss. I'll treasure it."

Namalayan ko na lang nasa tapat na ako ng kwarto ni Lucy. Huminga ako ng malalim at kumatok.

"Ate East!" Masayang bungad ni Lauren na siyang nagbukas ng pinto sa akin. Katabi niya ang nakababatang kapatid na si Austin.

"Hi!" Lumuhod ako at niyakap silang dalawa. I even kiss their cheeks. These kids are so cute! "I have chocolates here, gusto ninyo?"

Nanlaki ang mata nila at mabilis na tumango. Mabuti na lang at naisipan kong magdala ng sweets. Kinuha ko naman sa bag lahat ng chocolates na meron ako at binigay sa kanila.

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now